Ano bang gamot sa maitim na dumi?

Okay lang po ba na Black color ang dumi ko, nag wo worry po kasi ako 1st time ko ganun ang kulay dumi ko. I'm 4 months preggy po. ano po ba gamot sa maitim na dumi

78 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Maitim na Dumi - Ang kulay na ito ay senyales na ang dumi ay naglalaman ng tuyong dugo. Ang panloob na pagdurugo sa isang bahagi ng katawan na malayo sa bituka, malayo para matuyo ang dugo sa oras na umabot ito sa bituka at sumama sa dumi, ay nagbibigay ng itim na kulay sa dumi. Kung ito ang madalas na kulay ng dumi sa loob ng ilang magkakasunod na araw, bumisita kaagad sa doktor. Maaaring ito ay sintomas ng isang underlying medical condition.

Magbasa pa

1. Kailangan masuri ng doktor (Gastroenterologist or Surgeon) ang dumi na may dugo o maitim na kulay. 2. Ang posibleng dahilan ng pagdurugo ay almoranas, sugat sa puwit, ulcer sa tiyan, polyp at colon cancer. 3. Ang almoranas ay gagaling sa pagpapalambot ng dumi sa pagkain ng gulay at prutas. 4. Bukod sa gamot, ang ulcer ay puwede gumaling sa tamang pagkain, saging at sapat na tubig.

Magbasa pa

Para malaman mu kung normal ba yan, subukan mung wag muna mag take ng vitamins na may kasamang iron or ferrous ng ilang araw. Kung magiging normal na ang kulay ng poops mu, dahil nga sa ferrous or iron un, otherwise, check with your OB.

VIP Member

yup maaamsh normal lang yan lalo na kung umiinom ka ng vitamins ako kasi simula ng umiinom ng vitamins di na nabago kulay ng dumi ko e 😅

akala ko ako lang din ganyan kase bagong opera po ako nag ka ectopic ngayon may gamot akong ferrous kaya ganyan pala nag woworry kase ako

Akala ko ako lang nakakaranas ng ganyan, hindi pala 'ko nag iisa. Mukhang dahil po yan mommy sa mga vitamins na iniinum natin. 🤗

Normal lng po yan, same po tayo. Sabi NG OB ko it's okey kasi sa mga tinatake po natin na mga gamot habang buntis👍

Since buntis po ako dark green na po ang dumi ko. Till now na 7months preg nko. Never nako nag yellow stool lol

iron supplement mo siguro yan. damihan mo water mo pa, baka magconstipate ka din. report mo din kay doc mo ah.

Yes po nung preggy ako itim yung dumi ko dahil sa tinitake kong gamot na calcium yun ang pagkakaalala ko ah.