452 Replies
Everyday? No way! Wala man malisya ay hindi pa din tama. Kasi ang tukso hindi mawawala tan. Kahit anong gawin mo e matutukso pa din yan. Kung paminsan minsan ok lang. Kaya kami may rule kami mag asawa n kung may sasabay sa kanya walang babae ang uupo sa tabi nya. Kahit silang dalawa e di sa likod pa din sasakay ang babae. Ako lang at close relative na babae lang ang pwede sumakay sa tabi nya.
For me it's a big NO! Same situation pero ako yung sumasabay dati. Malayo kasi bahay nami sa kanto so nilalakad ko talaga from our home tska different working sched kami nang hubby ko kaya hindi talaga ako mahatid. Marami nag o offer sakin na sumakay at first sumasabay ako with the consent of my hubby pro i realized parang pangit tingnan as a married woman so stop ko na talaga.
Nope. Once pwede pa. Pero ang Everyday? Wow ha! Don't trust the girl Sissy, I am telling you. Madaming sneaky girls ngayon, kahit alam nilang kasal na, they want some thrill. Hindi sa dinudumihan ko isipan mo at tinutulak na mawalan ka ng tiwala sa asawa mo pero nowadays, mahirap magtiwala. Hahaha. But you can open up with your husband, you have the right naman na sabihan sya.
Ay kahit sabhn natin may tiwala tayo sa asawa natin ang tanong bakit pa sumasabay si ate ghurl sa asawa mo wala ba sya ibang friends ano pakay nya..and si hubby naman dapat ma orient everyday na hndi maganda may babae sya kasabay umuwe not normal kahit friends lang sila...may asawa na yung tao tapos aaligid aligid pa isa lang yun kase gusto lumandi nagpapapansin ksp kawawa naman
Pag every single day na, kahit sino magtataka. Single or married man ang officemate ni hubby mo, she should be sensitive enough dahil may asawang tao ang sinasabayan nya. Ngpaalam man lang ba sayo ung girl or si hubby mo? Talk to your husband and let him know your thoughts about this so you can come up with a solution habang maaga pa.
Malaking gulo ang mangyayari smin ng hubby ko!!! D pwd mag sama ang negative at positive dahil may reaction yan!!! Hwag hintayin na may mang yari pa ng d maganda..u have all the right 2 say NO!!! Pag ayaw parin paawat nku kabahan kna sis iba nayan! Dapat vigilant tayong mga wifey dahil ang lalaki nag papaka lalaki yan!
depende. kung si officemate eh matanda na as in pwede mo nang nanay o kaya naman mataba na pandak, mapimples, bungal, bad breath.. sige go, ok lang. pero kung yung tipong, kakainsekyuran ng lahat ng nanay o dalaga na kilala ko eh magtigil tigil at baka makapatay ako ng asawa at malanding officemate. 😬🔪
Hindi naman pwede ang everday. Ano yan, ginawang service ang asawa mo or ganun ba sila kaclose para hindi man lang magkaroon ng delikadesa? Your husband should also do something para hindi na magpatuloy ang ganito unless gusto din nya d ba? Sya mismo dapat mkaramdam na awkward dahil may asawa syang tao.
Syempre hindi! Malaki na sya bat kelangan pa nya sumabay sa asawa ko pauwi. May trabaho naman sya at may pera pamasahe para makauwi mag isa. Distansya lang lalo na't alam nyang pamilyado yung sinasabayan nya. Pangit makita ng ibang tao tapos makakarating pa sakin. Hay naku may kalalagyan sya.
Jusko naman si ateng, hirap na hirap sa buhay??? Walang pamasahe??? Impossible naman di ba? Kaya nga nag ta-trabaho. Baka kurusnada si mister di kaya? Lapitin sa tukso yan lalo na sa private car, nako po, isang liko lang sa alam mo na. No no no! Putulin agad ang something na yan hanggat maaga.