Asawa kong ewan!

Okay lang ba na patawarin ng paulit ulit ang asawa mo sa panloloko nya? Kahit sabihin nyang panlipas oras lang daw yun? I know hindi ko maibigay ang sex dahil sa kondisyon ko. Pero tama ba na maranasan ko to? Hindi ba nya maintindihan na delikado ang pagbubuntis ko! Ang alam ko hindi ko deserve ang lokohin. Titiisin ko nalang ba hanggang sa makaoanganak ako ? At ang diyos na bahala sa kanya ? Minsan feeling ko , parang gusto ko nalang mawala na parang bula. As in palage nalang nangyayari samin to, paulit ulit nalang. Every weekend nasa club ! Ewan ko nalang pag makapanganak na ako. Hay ! Gusto ko lang maglabas ng sama ng loob. Ano ba dapat gawin dito !

Asawa kong ewan!
22 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ano ba yan momsh pero haba din ng pasensya mo. Kung ako siguro ikaw iniwan ko na. Di nman dahilan un eh n dahil buntis ka at di nya magawa sayo eh sa iba nya gagawin. Di nya deserve n tanggapin mo ulit. Mamaya makakuha pa ng sakit yan maipasa pa sau pag nanganak at nagsex kau. Di nya lang ngaun yan gagawin kahit makapanganak ka na hahanap hanapin na nya yan ung makipag sex sa iba. Mag isip ka sis para sa inyo ng baby mo

Magbasa pa