budget
ok na kaya ung 50k para sa binyag & kasal ? sasabay nalang namin para 1 gastos .?
hindi naman po kelangan ng malaking gastos sa kasal at binyag. yung family mo at mga sponsors nalang ang dapat present sa event ng kasal at binyag ng anak mo. mag civil wedding nalang kayo para mas makamura kayo at mag formal dress nalang. pareho lang din naman ang bisa ng civil and church wedding, tapos magrestaurant nalang sa reception baka sumobra pa ang budget mo. sa hirap ng pera at buhay ngayon ay maiintindihan ka naman nila.
Magbasa paKung family and bilang na friends lang naman, siguro po okay na yan. Kami nun binyag ni baby ko 30k worth po ng food/catering good for 100pax na.
Pdende sa bisita nyo yan mumsh. kung cater kayo kulang yan kung luto sapat naman yan mga 5 putahe lang ang lutuin para my pang decor kapa.
Depende po sa dami ng bisita. Lalo na ngyon ang mahal na ng bilihin yung akala mong marami na maubos at mauubos din, minsan kulang pa. :)
For a simple wedding yes po ok na po sya, sa panahon ngayon hindi na uso ang pabonggahan ng kasal at binyag, future po lagi isipin
Depende yan sis sa visitors mo. If kayo lang naman na magkakapamilya at ninang tapos sa House lang OK na ang 50k.
pwede bsta ndi sa church ang kasal nyo kc kme ni hubby nung ngcivil kme nsa 50k din gastos nmen ehh..
Depende po sa bisita ..ako kc binyag palang ng anak ko 60k na nagastos ko for 100 pax na un.
Depende siguro kung sa bahay lang pwede tska di gaano marami ang bisita.
depende sa bisita. kasi minsan din yung bisita mo may bisita din 😂