gamot pangpakapit
ok lng kaya na 4days na akong hindi nainom ng gamot na pangpakapit 1month na dn namn akong nainom noon pero dapat hanggang katapusan pa ng june . Im 2months preggy
sis tuloy mo pag inom nun. kelangan mo yun at ni baby kaya ka binigyan pampakapit. pricey, yes pero worth it yun para maging ok si baby. ako nun 1st tri ko naka heragest ako 3x a day eh magkano yun? nasa 50 ang isa so 150/day pero pinagtyagaan namin ng asawa ko kasi gusto namin maging ok si baby. 2nd tri 2x a day hanggang early 3rd tri once a day. wag mo itigil sis hanggang di pinapastop sayo ni OB ang pag inom.
Magbasa paDapat mommy sundin natin si ob kc sila ung mas nakakaalam ng kalagayan ni baby sa loob... ako naman walang mga spotting o bleeding pero dahil sb ni ob mababa daw, nagttake ako pampakapit 7days every month ^^ hayaan mo na ung naskip mo hnd na natin maibabalik un... ituloy mo nalang pag inom ngayon hanggang sa advice ni ob^^
Magbasa paAko 1st tri ko niresetahan ako agad nun nsa 70+ ang isa nya the 3x a day ko xa iinumin continious 2weeks to 1month ko xa kelangan inumin.. Mahal man pero walang katumbas na halaga nmn ang paglalaanan mo nun kya continue mo lang po.. For you and lalo npo ky baby,and always pray po.☺
sana po di nio tinigil momsh. until makabalik po kayo sa next checkup nio. para makita if ok na ba talaga at di mo na need uminom ng pampakapit.. tiis lang muna sa gastos para naman kay baby yun eh.
when i was pregnant diko naranasan makainom ng gamot na yan i only take ferrous and wala namang nangyare kay lo mas malusog pa nga siya sa inaakala namin.
Momshie, bakit mo itinigil? Dapat sinusunod mo ang ob mo. Pag nagkaroon ng aberya, wala kang pwedeng sisihin kundi sarili mo lang
Mas okay parin po na kung ano yung sinabi sainyo ni OB yun ang sundin. Tell your OB narin po na 4 days kayong di nakainom.
Kung ano ang advice ng ob Mo dapat follow Mo sis PRA I was complications... Ganyan din ako 2mos gumamit ng pangpakapit
Ako po 6 mons ako nag pampakapit.masakit po tlga sa bulsa pero priceless nmn ang iniingatan mo.sana po macontinue nyo.
Nung naubusan ako NG budget sa pambili ng pampakapit, Di muna ako pumasok sa office. Nag bed rest muna ako.