24 Replies

TapFluencer

hello mommy! ang dahilan po bakit tayo umiinom ng vitamins dahil may certain requirement po ang baby natin para sa paglaki nila ng maayos at normal. pwede po na kung walang vitamins, enough na po ung sa kinakain nyo para sa katawan nyo, pero nagkukulang kay baby. tiis lang po. and if ever po na nagsusuka kayo dahil sa iniinom nyong vitamins, let your ob know para mapalitan. marami po talaga tayong sakripisyo na gagawing mga nanay. isa na po yan sa mga yun. good luck mommy! 🥰

mi pilitin mo para po kse un kay baby e para sa development nya. Kase minsan kulang ung nutrients na nakukuha ntn sa foods ng aagawan pa ung katawan ntn at si baby sa nutrients na un. Hirap din ako noon sa obimin sobra akong parang nasa bus feeling, hilong hilo ako pero ngayon sanay na ako. Sa iron naman ako hirap, liit na liit na nga ng tablet parang isusuka ko pa pero pinipilit ko din ☺️ going 6 mos na ako ☺️

Atleast folic acid inom ka. Maliit lng nmn na tablet un

VIP Member

better po sana if complete sa vitamins mommy, and may regular check up para maalagaan yung development ni baby. If di niyo po kaya, kailangan niyo po icompensate yung mga nutrients needed through diet or food na kinakain niyo. Mahirap po yon mommy kasi may mga nutrients na hirap imaintain yung needed na amount per day, kaya po sana may vitamins na iniintake ang preggy.

ang ginagawa ko nmn po pag na inom ako ng ferrus kasi drin tlaga sya gusto ng panlasa at ng sikmura ko after ko kumain ng kanin at iinom na ako naka sunod na agad ang candy or kahit anong pang patanggal lng ng lasa ng ferrus kaya yun na iinom ko na sya basta may candy try nyo po na wag lasahan ang ferrus d po kayo susuka

mahalaga po yung vitamins para maiwasan po yung mga deformations and complications kqy baby at pra healthy po siya magdevelop try din po kayo ng maternal milk may mga nutrients din po yun para kay baby. Ganyan din po ako nasusuka talaga lalo sa multivitamins pero tiis lng po talaga pra kay baby. Kaya nyo po yan mamsh

pinilit ko po talaga uminom para sa development no baby. if sobrang nasusuka po kayo imention nio po kay Ob baka pwde nya po palitan ng ibang type or brand ng vitamin. pero super important po talaga mg vitamins since di naman na ganun ka available ang healthy foods ngaun.

Ask niyo po ob niyo for alternative na vitamins. Ganyan ako until now, 28wks na ako and sinabi ko yan sa ob ko na hindi na ako nagtitake ng ferrous dahil kahit anong take ko nagsusuka tlga ako, sabi ko sa kanya bumabawi nlang ako sa maternal milk and approved naman sa kanya.

VIP Member

Ask niyo po OB niyo for alternative vitamins. Tapos kain po kayo ng healthy foods para makabawi naman si baby. Need po kasi yan para sa development po ni baby and if may negative reaction po sa inyo yung mga gamot baka allergic po kayo, mention niyo po sa OB po.

Pilitin nyo po para kay baby. Try nyo po uminom ng vitamin kasabay ng paginom ng gatas para d po malasahan ung gamot. Instead of water panulak pwede buko juice para hnd mo maisip ung lasa ng gamot. Makatulong po sana :)

ako din Mi 5 months pregnant ngayon di rin makapag take vitamins dahil lalo sumasama pakiramdam ko. Bumabawi nalang ako sa pag kain. hirap kasi ipilit mag vitamins nassuka ako.

Trending na Tanong

Related Articles