may katulad koba na nakakaranas ?

Ok lang po ba na Hindi po nakakaranas ng pagsusuka at paglilihi? 9weeks pregnant po.

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Okay lang po mommy. Hindi naman po requirement 'yun 😊 Consider yourself lucky. May mga nade-dehydrate ng husto dahil sa pagsusuka. Meron ding hindi makakain at all kahit gutom na sila. Enjoy mo lang na wala kang pagsusuka na nararanasan.

normal po yan. kahit ako nung una natatakot ako kasi bakit wala akong morning sickness tulad ng iba yun pala swerte ka pa pag wala kang ganon hahaha. di hirap sa pag bubuntis. first baby ko pa❤️

5y ago

hahahaha ako din po pero ok po yan hayahay lang. pero ang sabi nila sa second baby daw po mararanasan yung ganon e

VIP Member

Isa ka sa mga mapalad sis. Wag mo na pangarapin maglihi. Maloloka ka lang. Hahahaha 10 weeks here, at sobrang maarte. Walang gustong kainin kasi lahat mabaho para sakin. 😅😭

suwerte mo momshie ksi di ka naka experience ng paglilihi😊 ako halos 4months na di makagulapay 2x pkong na admit dehydrated na ksi ako kakasuka 😢

Mam 9weeks preggy ka rin Po Nagsesex parin Po ba Kau ng hubby mo.? Tanong ko Lang same Po Kase 9weeks preggy Wala ring sintomas

Opo! at maging thankfuk po dahil dun 😊 kasi po ang hirap po na may naamoy ka lang susuka kana, nakakapang hina po yun

VIP Member

yes po mamsh. normal po😊 same po tayo nung first trim ko din din ako pinahirapan ng baby ko😊 now im 24weekspreggy

VIP Member

Yes normal mamsh.. Mas gusto ko nga yung parang wala lang eh.. Kasi pag may morning sickness nakakapanghina eh.. 😊

swerte mo kung ganun. pero honestly, ako kasi naranasan ko ung paglilihi nung nag 3months na si baby sa tyan ko..

Okay lang mommy. Baka maaga pa para magsuka ka. Hintayin mo mga susunod na weeks. Ikaw mismo ang aayaw 😂