Milk for pregnant
Ok lang po ba kung hindi uminom ng enfamama or anmum ang buntis?? Niresetahan po kasi ako ng enfamama.. Pero bearbrand lang po ang iniinom ko eh.. Ok lng po ba un?? Maraming salamat po..

Sabi ng bestfriend ko sa hawaii ay hindi daw sila pinapainom ng maternal milk dun, fresh milk ang recommended nila pero mas madami syang tinetake vitamins compared sa akin. Dito naman sa pinas recommended ang maternal milk ng aking OB at isa lang ang vitamins ko na binigay nya. So far oks naman kaming mag bestfriend. Dipende siguro iyon sa OB na hahawak sa iyo, basta inform mo lang sya kung hindi mo kaya ng maternity milk para mabigyan ka nya ng ibang supplements. kung nagtitipid din mamshie mainam na bumili sa shopee/lazada officual store nila ng maternity milk kc laking tipid at free shipping pa. Yung binili kong 4 bundles na anmum 850g pumapatak sa Php. 550 ang isang box compared pag bumili ka sa groceries na aabot sa Php. 819. May mga kakilala din man akong nagbearbrand na workmates ko dati at matataba yung babies nila maybe siguro dahil sa madaming sugar content ang bearbrand or maybe nataon lang din nmn.
Magbasa pa


