Ok lang ba sa inyo kung yung partner niyo nagkocomment ng "Stay pretty" sa ka-oficemate niya? Hindi ba big deal sa inyo yung partner niyo kino-compliment ibang tao in social media pero hindi naman niya ginagawa sa inyo yun. Na-curious lang ako . ?

100 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

I agree sa depende ang pagkakasabi, I know a few guys who are just being gentlemen enough to say that to their friend or colleague. Parang just for courtesy lang pero wala naman malisya. There are also those who are really flirt so you be the judge.

No. Hindi naman ako yung tipong super selosa pero one thing I learned based sa mga advise ng other married couples is to build hedges. So yung mga ganyan na comment, pwedeng biruan sa una pero it might develop to something deeper.

Ay BIG NO! Malaking away yan at baka nasapak ko na din hubby ko pag nag cocomment sya ng ganyan. 😄 At saka as a partner kasi, dapat sya yung pinaka unang mag boost ng self-esteem mo. Dapat ikaw punuin ka nya ng compliment.

Hehe yong asawa ko nga sa ex gf nya sinabi yan sa comment. Bahala sya sa buhay nya. Di ko pinapansin ma stress lng ako. Buntis pa nman ako. Sakin umalis sya pag ayaw na nya hirap kasi hawakan ang taong nagpupumiglas. 😁😁😁

What if sa pinsan nagcocompliment? Big deal din kasi sa akin e. Ok lang i-❤ o i-😮 pero magcocomment pa ng "ang ganda mo talaga,take care always" parang hindi pinsan ang treatment parang there's more than that. Triggered ako.

Naku manmanan mo agad jowa mo baka naglalandian na sila ng office mate niya...mga7 babae pa naman ngayon kahit alam na nilang my gf/asawa ang lalake basta gusto nila wala na silang pakiilam basta masaya sila.

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-20308)

No. No, yung partner ko hndi mahilig mag complement sa ibang babae, pero kapag maganda talaga yung babae sinasabi nya saken, minsan din kapag nag aayos ako ng sarili kinocomplement nya ako, and i do the same naman.

VIP Member

Nung 1st trimester ko grabe pagkaselosa to think na inadd ko yung girl na kaofficemate niya at inaccept naman ako pero after 3 months ko nawala na pagkaselosa ko hahaha 23 weeks and 5 days preggy here

Hahaha.ung partner ko never nag comment sa mga post ko hahah Puro like & puso bihira pa. Samantalang sa iba siging comment ang loko hahaha. Pero ok lang Wala pa nmn syang comment na nabadtrip ako 😅

Magbasa pa