Water For Baby

Ok lang ba na painumin c baby ng tubig khit mg po 4 months pa lang?

68 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

BAKIT BA BAWAL PAINUMIN NG TUBIG ANG SANGGOL 0-6M? Marami po sa atin, ang nagtatanong kung ligtas ba, at kailan ba pwedeng painumin si baby ng tubig. Lalo na ngayong tag init. Ngayong gabi ay bibigyan po natin ng linaw ang paksang ito. Ayon po sa World Health Organization at Department of Health, hindi maaring bigyan ng tubig ang mga sanggol na ANIM NA BUWAN PABABA. Napakadelikado po ng pagpapainom ng tubig sa mga sanggol na wala pang anim na buwan dahil ito ay nagiging dahilan ng WATER INTOXICATION OR POISONING. Ano ba ang Water Intoxication? Ito ay kondisyon kung saan ang sodium levels sa dugo ay bumababa dahil hindi pa kayang balansehin ng katawan ni baby ang tubig (Hyponatremia*). Ang mga sintomas at epekto nito ay: - Pagsusuka - Pagiging iritable - Pagkahilo - Sobrang ihi (6-8 basang diapers) - Pamamawis - Hypothermia o pagbaba ng temperatura ng katawan. - Epileptic Seizures - Pagkamatay Ito ang dahilan kung bakit mahigpit na ipinaaalala satin sa mga ospital at ng mga ahensyang pangkalusugan na bawal po ang tubig sa mga sanggol na anim na buwan pababa. Napakarami sa atin, na nadadala sa sinasabi ng matatanda na kailangan painumin ng tubig ang mga sanggol lalo na daw kung may sakit o kapag mainit. MALI PO ITO. Kung ikaw ay nagpapasuso, ang breastmilk ay 88% water. Kaya hindi na kailangan ng karagdagang tubig ni baby. Sa panahon ng tag init, ang gatas natin ay nagbabago ayon sa panahon at pangangailangan ni baby. Mas nagiging malabnaw ang gatas natin upang maiwasan ang dehydration. Sa mga nakaformula naman, hindi rin kailangan ng karagdagang tubig dahil ang bawat scoop ay may katumbas na tamang sukat ng tubig. Mga inay, huwag po tayong matempt na magbigay ng tubig. Wag po nating isugal ang kalusugan ni baby dahil lang sa utos ng mga taong nakapaligid sa atin. HUWAG po tayong magmadali na painumin sila ng tubig dahil buong buhay po nila, iinom naman sila ng tubig. Mainam na maghintay po tayo. Ingatan po natin ang ating kalusugan lalo na ng ating supling. Salamat po at mabuhay kayo mga inays!... PLS read. The American Academy of Pediatrics, the World Health Organization, and numerous other credible organizations strongly recommend only breastmilk for at least the first six months. The World Health Organization specifically mentions "Not even water" may be given to infants. Formula is only an acceptable alternative to breastmilk when breastfeeding is actually impossible. http://www.who.int/features/qa/breastfeeding/en/ http://www.who.int/nutrition/topics/infantfeeding_recommendation/en/ http://www.who.int/features/qa/21/en/ http://www.babycenter.com/404_when-can-babies-drink-water_1… http://www.britishbottledwater.org/children-and-babies.asp facts about hyponatremia http://parentingpatch.com/preventing-hyponatremia-or-water-intoxication-never-give-a-baby-extra-water/ Hyponatremia caused by excessive intake of water as a form of child abuse - https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4027093/ #Spreadeverylearning #WHO

Magbasa pa
6y ago

Tama ka po mamsh

VIP Member

Bf o fm user No 6mos pataas po ang tamang pag inum. Sumunod po tayo sa tamang kain at tamang pag inum ng sa huli wala tayong pagsisihan.Wala din naman matulong yang mga nagsasabi na "pwde na" sayo in case anu mangyari sa anak mo😊 Ligtas ang my alam ika nga

Magbasa pa

pwede na painumin water basta nag start na sya dumede sa bottle..pero kung pure breastfeeding kahit wag na painumin water..sabi yan ng ob ko...baby ko 2 months pinapainom ko na water after nya dumede sa bottle..

Pag breast feed po di na kaylangan painumin ng tubig hanggang 6 months po kasi ung isang dede natin pagkain ung isa daw un ung parang tubig nila..

Kung formula milk advise ng pediatrician atleast 1 oz of water, di kasi tulad ng breastfeed. Magkaiba pa rin talaga sila

Di pa po advisable painumin ng any other liquid si baby other then milk. Usually po 6months pa sya pd sa water.

D pah po allowed nah uminom c baby ng tubig qng wla pah po 6months kc ng cause po iyo ng pnuemonia xa bata sis

Pero sabi po ng pedia ni baby if formula milk ok lng painom ng water para d nag hahalak c baby s lalamunan.

2months pa lang si baby nun, inadvisan kmi ng pedia niya na pwede painumin ng tubig si baby kunti lang.

Bawal daw po. Pero si baby minsan napapainom namin ng water kasi parang may malagkit sa lalamunan niya

5y ago

Linisin mo lang 2x a day. Maligamgam na tubig panglinis mo. Ung hindi na ginagamit na bigkis gamitin mo. Iwas singaw din un