86 Replies

😑 ewan ano ba dapat ipayo sayo. Siguro nga karma na yan sayo. May asawa at anak ka na pero nakuha mo pa rin maghanap ng iba? Mahirap bang makuntento?? Dapat kapag may mga problema ka at sa panahon na hirap na hirap ka na dapat sa asawa mo ka pa din sumasandal, hindi sa iba! Kung may pagkukulang man yung asawa mo! Wag mong hanapin sa iba! Sabihin mo sa kanya pagkukulang mo imbis na hahanapin mo pa sa iba! Advice ko sayo sana sa huli marealize mo na mas importante pamilya! Hindi porke down ka e maghahanap ka na ng iba! Myghaaadd!!!! 1 week???? Ipagpapalit mo sa matagal mo ng nakasama 😑 ano bang meron pagiisip ang tao 😑

F*** up with this situation!!!! Kagigil ka!!!! Naalala ko yung ginawa sakin ng bf ko, alam niya na magkakaanak kami pero tinuloy pa din pasalamat siya at ama siya ng dinadala ko!!! Kainit kayo ng ulo

You know what kuya. Never kang magiging masaya, kayo ng partner mo ngayon. Unang una may isang buhay na nawala dahil sa inyong dalawa. Pangalawa iresponsable kang ama, sustento na nga lang sana pambawi mo di mo pa maibigay. Pangatlo, napaka selfish niyo ho, namatayan ka na nga ng anak sariling kaligayahan mo pa iniisip mo, di ka man lang nakunsesnya sa ginawa mo? Bahala na po si Lord sa inyong dalawa, sana po hindi po kayo patahimikin ng kunsensya niyo. Godbless po sa magiina mong iniwan at pinabayaan mo sa pinas, sana makahanap sila ng tunay na lalaki na magmamahal at magaalaga sakanila. God is good and Just.

10 years younger sayo, fresh kumbaga para sayo. Pero bago mo ligawan ang live in partner ano din ba sya? Fresh din sya.. Bago mo sya anakan, fresh din siya. Nagpakananay sya at tumutok pra bumuo ng maayos na pamilya at mabubuting anak. Pero ikaw na dapat tumulong sa kanya pano ibalik ang frrshness nya e, wala ka. Imbes na pangalagaan ang asawa mo, naghanap ka nalang ng mabango at fresh na balang araw lolosyangin mo din. Sana matauhan ka. Sana makapag isip ka. Libog lang yan nararamdaman mo sa ibang bansa. Mahiya ka sa sarili mo. Wag mo takbuhan ang resposibilidad mo.

NO NEED TO ASK A QUESTION ..in the first place ,kaya ka nangibang bansa para sa pamilya mo hindi para sa sarili mong luho ...isipin mo yung mga batang kawawa sa gingawa mo , wag maging selfish ..napaka sakit para sa partner mo na malaman na niloloko molang sya , lalo pa nakunan sya dahil sa stress ...sobrang hirap sa part nya na tanggapin yung sakit na dinulot mo at patuloy na dinudulot mo ..mahalin mo ng buo pamilyang iniwan mo at kalimutan yung pang sariling kaligayahan ...ipag PRAY🙏🏻 mo sa Dios☝🏻na maging tama ang desisyon na gagawin mo ..GOD BLESS

Sir ang pagmamahal may limitasyon din yan. Di porket nagmahal ka lang eh excempted kana sa kasalanan. Excuse lang yan ng mga tao na hindi kasalan na magmahal lalo kung may partner kana at may partner din yung pinatulan mo. Nasa sampung utos po ng Dyos na wag makikiapid. So anong point na nagmahal lang naman? Eh may tao ka ngang nasasaktan. Di porket nagmamahal lang eh free ka ng gawin lahat. Kaya nga po db dapat sa gagawin nating hakbang sa buhay dapat maging responsable tayo lalo hindi na po tayo mga bata. Matatanda na po tayo alam na dapat natin ang tama at mali.

1st, buti alam mo na kasalanan mo at alam mo rin na kinakarma ka. 2nd, hindi deserve ng pamilya ang katulad mo kaya baka mas okay na mawala ka na sa buhay nila pero wag mong putulin ang sustento mo. 3rd, isang buhay ang nawala because of kakatihan and selfishness. 4th, pano mo nasabing mahal mo yung hitad mong GF kung nagawa mong makipag s*x sa naiwan mo dito sa pinas. nakabuo pa nga so nakailang beses nyong ginawa. 5th, dapat sayo mabuhay at tumanda ng magisa kasi you are so selfish at makati. 6th, you do not deserve to be happy. sorry not sorry

Matanda kna hindi kna bata ,wla ka namang sakit para hindi malaman ang tama sa mali kht ikw mismo sa sarili mo alm yung dapat gawin kasi kht anong sabi ng mga tao sa paligid mo isip at sarili mo prin ang susundin mo, mag isip ka ng sampung beses kung ano resulta ng gagawin mo, wag kang makasarili isipin mo may mga tao kang masasaktan wag yung pang nandaliang kaligayahan lng , isipin mo baka dahil gusto mo sya ,dahil sya ung nandyan paano kung partner mo yung nandyan , mag isip ka po ng maraming beses bago mo gawin may mga edad na po tayo.

Isang linggo lng kayo na agad?! Wow just wow kuyang hindi pagmamahal tawag jan may nagpupuno lang ng tawag ng laman nyong dalawa ng babae na kasama mo..tapos magtatanung ka kungbanu angnisasakripisyo mo sinakripisyo mo na yung pamilya mo yung mga anak mo para sa bago mo pinatawad kana e umulit kapa kutusan kya kita..kung sakin lang kuyang di mo deserve yung pamilya mo dito sa pinas kawawa sila sayo oras at financial support di mo mabigay ng tama sa knila swerte mo kung mahal kpa at may pamilya kapang babalikan sa oras na makapag isip ka ng tama.

TapFluencer

nakakainis ka kuya..isa lang ibig sabhin Nyan...yang kasm mo Jan ngayon pareho kayong wlang kakuntentuhan sa buhay...pareho kau g may karelasyon pero pinili nyo pareho na magcheat...libog lang Yan, mas magnada pa n amakipaghiwlaay kana sa real partner mo kesa nagloloko ka Ng ganyan...di ka NYa deserve...yang kgf mo Jan 1 araw pagnakakit adin Ng iba Yan iiwanan kadin Nyan, deserve nyo din magsuffer pareho sa sakit na binigay nyo sa partner nyo...para tumino ka..lumapit ka sa dyos para maliwanagan yang utak mong Mali Ang tinatahak

Pinagpalit mu long time live in partner mu at pamilya mu sa babaeng isang linggo mu pa lang kilala pumatol na sayo?!? To think my bf din sya?! Good choice for you! D ka nagiisip talaga! Darating un time gagawin nio din yan sa isat isa kase nagawa nio nga sa mga partner nio! Priceless un sinakripisyo mung pamilya para sa kaharutan nio! Sana nga tuluyan ng magising pamilya mu at darating din ang panahon makakalimutan ka din nila at magiging masaya sila ng wala ka, habang ikaw naman ang magdurusa sa mga ginawa mu!

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles