Oa na kung oa pero nasasaktan ako sa maliit na bagay lang. naiiyak ako. 17weeks pregnant na ako and di pa namin alam ang gender ni baby. So nag isip kami ng name. Siya ang nagbigay ng name for baby boy at tuwang-tuwa ako, pero everytime na may sa-suggest akong baby girl’s name sakanya puro no at pangit ang sagot niya. Netong hapon lang may name for girl akong nagustuhan sobrang saya ko kasi feeling ko final na final na at pinag isipan ko ng sobra, maiyak iyak pa nga ako e. Ayaw niya daw, pangit. Kelangan ko daw isipin na what if ayaw ng anak natin? Dadalhin niya daw kasi yan for life. Wala ako maisagot. Nalungkot ako kasi bakit parang wala akong right mag decide ng name. Kaya bash me, oa na kung oa di ko din alam kung bakit masama loob ko. Masakit sa pakiramdam. Di ko alam kung nakafeel din kayo ng ganto ? So sabi ko nalang, okay ikaw nalang bahala. Ayoko na mag open about jan.
Anonymous