Clingy Wife

Nung naging preggy ako, napakamadamdamin ko na. Even papasok lang sa work ang husband ko, nalulungkot ako. Minsan di ko alam kung dahil sa pregnancy ko, o dahil di ako sanay na ako lang naiiwan sa bahay dahil kakamove lang namin from parent's or nagiinarte lang ako haha

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same tayo since start ng pregnancy ko kasi 1st trimester ko kasama ko sya inaalagaan nya ko nagbubusiness kami saka naka leave sya dahil nadisgrasya sya. Then start ng 2nd trimester ko bumalik na sya ng work lagi ako malungkot gusto nya uminom kasama kaibigan nya sa harap ng bahay nagagalit ako kasi gusto ko sakin time nya pag weekend. Minsan may gusto sya puntahang event ayaw ko din payagan umiiyak sya minsan nagtatampo na at ayaw ko mag OT sya haha 😂 pero ineexplain ko naman sabi ko pag nanganak ako wala na ko time sa kanya di ko na sya hahanap hanapin kasi busy ako sa Baby namin at lagi na ko pagod mas gusto matulog 😂 mag 3rd trimester na ko at nasanay na lang ako Mon-fri. 8am papasok na sya 7:30pm na sya dadating ang inaantay ko na lang lagi weekend para makasama sya 😊

Magbasa pa