HEAVY BLEEDING 13weeks pregnant
Nung monday dinugo ako ng sobra pero nawala rin. Then kanina sumobrang sakit sya as in daig pa yung sakit nung naglalabor ako sa panganay at second baby ko. Kaya nagpa sugod ako sa hospital, pag dating namin dun 70/40 bp ko, gumawa ng mga test tapos sinonda ako. Need daw iultrasound para malaman kung andito pa si baby o wala na. Tapos ihing ihi nako kaya sabi ko mag cr ako, pero nakaupo palang ako sa kama may umaagos na sakin anlakas akala ko ihi ko pagcheck ko sa cr sa panty ko color light brown na parang sipon ang dami. Pag upo ko sa bowl dami bumulwak na dugo sobrang lapot. Since private hospital yun 30k hinihingi samin payment kaya nagpalipat ako sa ibang hospital na public dahil yun palang ginagawa sakin almost 4k na agad binayaran namin, ilang hospital pinuntahan namin kaso puro walang available na room. Hanggang sa umuwi nalang kami, at bukas pupunta sa sched samin ng OB Gyne. Ask ko lang mga mommies, wala naba yung baby ko? Alam ko kasi yung lumabas sakin kanina is mucus plug then after puro dugo na, ganun yung lumabas sakin nung bago ako manganak sa panganay at second baby ko. December 17 EDD via LMP January 13, 2022 EDD via my last month Trans V YUNG NASA PIC IS YUNG DUGO NUNG MONDAY, PERO YUNG SA HOSPITAL NA DUGO KANINA 10x SOBRANG DAMI KESA JAN AT MALAPOT. Hindi ko na pic kasi naiwan ko din phone ko sa bahay dahil sa sobrang sakit kanina biglang sugod sa hospital. I know some of u nabasa na yung unang post ko about this.