It takes a village to raise a child?
Nung isang gabi, nagsend ang kapatid ko ng link ng video tungkol sa Learning and Development of Language sa 1-5 yrs old. Maganda yung video, informative pero napapaisip lang ako why out of the blue nagsend sya. Di ko naman hiningi or tinanong. Tungkol sa kung ano importance ng kinakausap ang bata, at wag magdepende sa gadget, kung ano effect ng under developed vocabulary sa bata hanggang sa pagtanda nya. Nung gabing iyon kasi, gising si baby ko (10months) hangang 11pm. Nagising lang naman ulit sya, 7pm tulog na po talaga sya pero around 8pm nagising nga sya, knowing my kid, 3hrs nanaman ulit bago sya makatulog. Super clingy nya din lately, hindi papayag na magpalapag sa crib, so after namin maglaro, nilagay ko muna sya sa crib, umiyak sya, so binuksan ko ang tv para makakain muna sana ako. After kumain, naglagay pa ako ng hot compress sa puson ko kasi para akong may dysmenorrhea. Nakanood sya ng 3x Prince Ali, yung sa live action movie, ilang children song at Prince Ali ulit bago ko hinayaan ang tatay nya magnetflix naman. Nagdede sya tapos pumasok na kami sa kwarto ng 11pm. Hindi ako magsisinungaling, nanonood sya sa tv, hindi ako proud tungkol don, pero natutulungan ako ng tv makatapos ng gawaing bahay. I'm a first time mom, hubby works from home, wala kaming kasamang yaya, nasa residential compound kami ng pamilya ko pero 24/7 kami lang na magasawa ang kasama ni baby. Hindi ko naman pinapanood ng 1hr tuloy tuloy ang baby ko, paspas naman ako kumilos. Sa totoo lang, simula natuto sya tumayo at maggabay gabay sa muebles, wala na syang paki sa tv. Wala na din ako magawa. Nung gabi nga na iyon, malamang naririnig sa kwarto nila ang tv namin. Triple walled ng plywood na yon at may acoustic foam pa, pero tagos parin ang tunog. Sa isip ko, kaya nya siguro sinend yung link kasi nireremind nya ako na wag masyado magpanood ng video sa anak ko. 11pm nga naman na nagttv pa ang bata. Sa totoo lang, naoffend ako. Napaisip ako kung concerned ba sya? Nagaalala sya sa anak ko na baka di matuto magsalita kasi nanood ng tv? Ipinapaalam nya lang ba sa akin consequence ng ginagawa ko? Base sa narinig nya ng gabi na iyon? Parang hindi fair naman kasi. Kasi may oras naman kami para sa lahat, at hindi puros tv lang ang ginagawa. Medyo mahilig kasi mangpika itong kapatid ko at asawa nya. Madalas nilang line, "Kawawa naman..." Napapa- "ay bat kawawa nanaman ang anak ko?" na lang ako eh sa loob ko. Mukang mahal naman nila ang pamangkin nila. Siguro nakakaoffend lang talaga kapag naki criticize ka as nanay.#advicepls