Lalaban paba o tanggapin ko na?
nung 5weeks ako wala nakitang fetus yolk sac lang may bleeding pa ako, ngayon i'm on my 7weeks, pero yung sac di daw nagbago pero nagkafetus but no heartbeat, doubt na yung Doctor and sinabi dapat atleast 5-6weeks merun na heart rate, ngayon binigyan pa ako ng 1 week and need for rescan para malaman kung may buhay ba talaga o wala...
Ituloy mo pregnancy mo. Magkakaheartbeat din si baby. Wag kang madiscourage. And if ipilit ng OB mo na wag ituloy, switch OB. Get an alternative opinion sa kilala at pinagkakatiwalaang OB-Gyne. 😊
Laban lang sis! Masyado pa kasing maaga kaya unti unti pa lang changes nya. Inom ka ng prenatal vitamins para makatulong sa pagdevelop ni baby. Eat healthy foods and less stress and pagod.
10 weeks po ako nung nagka heartbeat si baby, wag ka mawalan ng pag asa. If ever sabihin ng doc, wala na, try mo magpa second opinion kasi hindi lahat ng dr concern talaga sayo.
Sis yung kasabay ko sa OB ko, 9 weeks preegy n sya pero wala pang heart rate. Trans-v ba yan o ultrasound lang? Better to check it on a trans-v procedure. Praying for the both of you
same situation😕 7wks walang heartbeat pero sabi ko maghihintay at balik ako sa Ob ko for last result😔 pero sinabi ko na to sa Hubby ko para ready kung ano man ang mngyari🙁
Pray lang talaga tayo mamsh ganyan din yung case ko before but pinagpapasa Diyos ko po lahat at ngayon 6mos pregnant po aq with a baby girl... Pray lang talaga mamsh
Hala ganyan din ako sa 1st baby namin, 10 weeks na sana sya that time, eh may bleeding ako nun tapos nag pa transV ako 8 weeks palang pala namiscarriage na ko.
Momsh. 6 weeks yolk sac pa lang din Baby namin. Nun nagpacheck up kami ng 8 weeks si Baby, thanks God may heartbeat na. Kausapin mo si God at ang Baby mo. Laban lang
Di sumusuko baby mo sa laban. Kita mo po kahit nung una walang fetus ngayon meron na. Ibig sabihin nag-g-grow pa din sya. Pray harder lang po. Kaya mo yan😊
If it is still safe for you to keep the baby given that you won't have any complications or what then maybe you can wait for a bit pa po. Miracles happen. :)