kasal
Nun mabuntis ako hindi ako inalok ng kasal ng bf ko.. i wanted us to get married.. he has excuses "financial" pero para sa kin d naman issue yun.. dko naman hiniling na bonggang kasal kahit civil lang no visitors only immediate fam. Nanay.tatay at kapatid nga lang ok lang sa kin.. dko naman pinangarap ang bonggang kasal din.. saka gusto ko din naman nun bago ko man lang maisilang anak ko kasal na kami.. pero wala e d naman nangyari.. gusto din ng parents ko maikasal kami actually nagprocess na nga kami nun nung requirements ako kompleto na kaya lang sya hindi.. tipong sinadyang d kompletuhin biro mo bgry clearance lang d pa makakuha.. kesyo sabi pa nya ok lang naman daw kahit d kami ksal muna pde naman maisunod daw sa apelyedo nya anak namin tulad ng "barkada" daw nya.. sa isip isip ko nun so por que pde dun sa kaibigan nya okay lang na ganun din sa min.. dun na ako naiinis.. kc d ko naman gusto yung ganun... sabi pa nya after ko na lang daw manganak kami pakasal kaya nanahimik na lang din ako.. pero gang ngayon naman d na ako inalok or tinanong as in wala... gang ngayon pag naalala ko naiiyak pa din ako.. 15mos na anak namin.. actually d na rin naman ako umaasa pa na ikakasal pa kami.. actually kami pa din naman... pero ewan ko sa inis ko din ayokong iassociate sarili ko sa kanya.. ayokong tinatawag na asawa nya or kami as mag asawa.. btw, d pala kami nag sasama. Dto pa din ako sa amin.. nakakadepress lang minsan pag naalala ko ung relasyon namin.. ???.. parang gusto ko din magwala.. nakakainis kc.