38 weeks and 4 days 🥰

Share ko lang po experience ko. Isa rin po ako sa naiinip noon at gusto ko na ilabas si baby para di ako mahirapan mai-normal kasi nasa 4'11 lang height ko and natatakot naman ako na lumaki pa sya sa loob at baka ma-CS pa. So eto na nga po... Nov 28, First IE ko sa lying in, 2cm pa daw ako and malayo pa daw ang ulo ni baby pero sabi nya baka sa week na yon daw ako manganak. After non may konting dugo na lumabas which is normal lang pag na-IE. Days after madami na rin akong nararamdaman na masakit, laging ngalay na balakang ko tapos pasulpot sulpot na yung sakit. Dec 8 may lumabas na pinkish discharge, ilang beses ako nagpalit ng pantyliner non + natanggal na din yung mucos plug same day. At padalas na ng padalas yung sakit tipong tulog na ako magigising nalang ako na ang sakit mula likod papuntang harap tapos ngalay na ngalay ang balakang ko. Lahat ng exercises at walkings nagawa ko din mula 36 weeks ko. Pati na rin yung labor techniques. Dec 9 ng umaga naiisip ko na talaga na magpacheck up na kasi ang lakas ng pakiramdam ko na parang eto na yon. By 5pm umalis kami ng bahay 6pm dating sa hospital. May mga pinagawa muna samin na ibang labs then 7:30pm na nung natapos and after 2 hrs pa daw ang result, Then nagpa-IE na ako and 5cm na pala so habang pakirot kirot yung sakit eh nagttry na ako ng labor techniques na natutunan ko from yt. 8:15 nung naisip ko na parang nasa 2-3 mins na ang interval ng sakit kaya nagpa-IE ulit ako and ayon na nga fully dilated na pero yung sakit nya is tolerable pero as in maya't maya kaya nakakapanghina. While waiting kasi may nauna pang nakasalang na nanganganak (public hosp po kasi) eh di pa naputok panubigan ko so sila na yung nagputok non at pinapa-ire na nila ako di ko maire ng todo kasi natatakot ako at wala pa sakin nagaasikaso kasi nandon pa sa unang pinapaanak. Then nung ako na yung isasalang naka 3 big push lang ako at nailabas na agad si baby 8:35 natapos8:30 nung nakalagay kung anong oras nagstart. So ang galing lang talaga at di na ako pinahirapan ni baby na ilabas sya. Totoo talaga na 'baby is the driver' sya magdecide talaga. Samahan lang talaga ng araw araw na panalangin at pagkausap kay baby. 💖🤗 LMP: March 1 EDD via LMP : Dec 6 EDD via Transv (8 weeks): Dec 19 Baby Althea Dec 9, 2022 8:35 pm NSD 2.5kls

3 Replies

Trending na Tanong