Halak

Not pregnant 2 Months baby girl EBF Ask ko lang po kung sino na dito naka-experience na magkaroon ng halak si baby? Ano po ginawa ninyo para mawala? Hanggang ngayon kasi meron pdng halak si baby. Pinunta na nmin sya sa pedia nya last week and nagreseta ng antibiotic and Carbocisteine. Thank you so much po sa sasagot mga Mommies!

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
Super Mum

Hello mommy, nabasa ko lang po eto sana mkatulong. *HALAK* Minsan napapansin ni mommy na tuwing habang sumususo si baby, may halak/crackles na naririnig sa dibdib at likod. Minsan nakakapa din ito ng kamay. Kung ito ay kusang nawawala after sumuso si baby, hindi siya inuubo o nasasamid, walang lagnat, hindi mabilis o nahihirapan huminga, natutulog ng matiwasay at active, huwag muna magpanic! Ang tawag dito ay TRANSMITTED SOUNDS. Ito ay tunog lang ng gatas na dumadaan mula sa esophagus papunta sa tiyan. Manipis kasi ang dibdib at likod ni baby kaya ultimo iyun ay naririnig o nakakapa ni Mommy. Muli, kung happy si baby, hindi hinihingal, inuubo (iba ang ubo sa samid), nilalagnat, hindi kailangan isugod sa ospital. Kung sa palagay ninyo ay para siyang maysakit, saka ninyo po siya dalhin sa inyong Pedia.

Magbasa pa
Super Mum

According po sa pedia normal lang na magkaron ng halak si baby until 6 months. Si baby ko nawala halak nung 8 months na sya. Wala po akong ginawa kusang nawala lang.