31 Replies
Yes mommy super normal lang yan. Ako po sa panganay ko ganyan na ganyan din miss na miss ko lagi asawa ko pero kapag nakauwi na sya from work inis na inis na ko. Hahaha! Ayun sya tuloy kamuka nung panganay namin. Ngayon sa pangalawa sya na naman at ung panganay ko pinaglilihihan ko. So malaki chance kamuka na naman ng asawa ko si baby ๐
Nung hindi ko pa alam na buntis ako grabe galit ko sa kanya. Yung makita ko pa lang siyang papasok ng pinto parang pinakuluan na yung dugo ko hahaha. Gigil na gigil talaga ako sa kanya, umabot sa point na gusto ko siyang batuhin ng isda na nililinisan ko ๐ ๐
Hehe normal LNG,like me plagi q inaaway asawa q nung 1 month palang aqng buntis hehe kaya nagsawa na skin kaya naghiwalay kami nung buntis aq,until now n nakapanganak n aq hnd p dn xa nagpapakita skn,,kaya normal LNG yn
parehas tayo... kaso hindi aki naiinis sa asawa ko๐ lagi ko lang napapagalitan yung panganay ko sa mga maliliit na bagay๐ญ pero nung first trimester lang yun... ngayon ok na ko, wala na kong topak ๐
Sabi nila napaglilihian mo daw sya pag ganon. ๐ Ako rin, sila mag ama ni panganay ko napagbubuntungan ko ng galit minsan. Feeling ko tuloy magiging kamukha nanaman nila tong si bunso ๐
Soon to be daddy here. Ask ko lang pag ganyan na nagagalit sakin ang buntis kong asawa. Ano ba ang maganda gawin para atleast mapasaya ko sya during that time or habang nagbubuntis?
ako rin po e๐คฃ Simula 8weeks hanggang ngayong 26weeks lagi po akong bwisit sa asawa ko๐คฃ kaya po hindi nako magtataka na kamukha niya tong baby namin paglabas๐คฃ๐
Ganyan din po ako sa bf ko diko pa alam na buntis ako lage ako naiinis sa kanya... gusto ko sya makita lage pero pag bibisitahin niya na ako ayaw ko na sya makita...haha
Ganyan din ako sa hubby ko nung first tri ko. Bwisit na bwisit ako pag nakikita ko sya saka lahat ng galaw nya. Pero pag wala sya namimiss ko. Hahahah
Oo normal lang, ako nga nanganak nung June until now galit pa din๐ dami kasi nangingialam sa pag alaga ng baby ko e, na extend tuloy๐๐