Normal po ba sa baby na hindi nangsusubo ng mga nakikitang dumi or pag may nakitang mga abubot sa sahig? 9 months na po sya. Hahaha kasi kahapon bumisita kami sa byenan ko.? Napansin nya kasi na ganun si baby. Hindi ko alam kung positive ba or negative ang comment nya tungkol dyan. Pero nung mga 7 months sya, kleenex at papel sinusubo nya. Yung mga books na pinapalaro namin sa kanya, pag tahimik na sya yun mga dulo nginangatngat na nya. Hindi pa sya gaano nakaka gapang nun. Ngayong nakakagapang na sya at kung saan saan na naglilibot dito sa bahay, di na sya nangsusubo. Tia moms.