427 Replies

Naiyak ako bigla...nakakalungkot...pray po kayo sis.kausapin mo baby mo...Ako kasi matagal bago nabuntis. Madalas din kaming LDR.pagdating niya nag tatry kami ulit, pero every time na dinadatnan ako, d ko mapigil umiyak, hanggang sa dumating sa punto na sinisi ko ang DIYOS. Tinatanong ko kun BAKIT... lahat naman ng inuutos sa bibliya, sinusunod ko...pero yung kaisa isang hiling ko d man lang mapag bigyan...umiiyak talaga ako...buti na lang yung hubby ko sobra2 kung kumapit sa PANGINOONG DIYOS, Kapag ka na didisappoint ako, lagi lng niyang sabi, may reason si GOD kung bakit..., maghintay lng daw kami...hanggang sa na realize ko na hindi ko rin naman pala binigay lahat...kasi pag uwi ni hubby, work pa rin ako...parang yung pag gawa ng baby eh part time ko lng. Kaya binuhos ko na lahat, sabay dalangin sa Panginoon na, pagbigyan niya kami. Sabi ko handa akong isakripisyo lahat, kahit na wala akong trabaho, kahit na masakit iiwan ko trabaho ko for a while. Kaya ayun, sinamahan ko si hubby sa bakasyon, nag leave without pay po ako., nag pa alaga sa OB, kahit na yung boss ko tinanong ako kung sigurado bang mabubuntis ako, sabi ko naman ewan,pero Diyos na po ang bahala. Kaya pag uwi namin mula bakasyon, at bago pa bumalik si hubby sa trabaho, sinagot ni GOD yung prayers namin. 5 weeks pregnant ako nung umalis si Mister. Pero nagulantang at as in kinabahan kami ng todo nang nag bleeding po ako a week after, 2 days akong balik trabaho ako nun...umuwi akong umiiyak...dasal lng ako ng dasal...sabi ko Lord, bigay mo na to sa akin oh..., wag mo namang bawiin agad...d na ako halos makausap ng hubby ko over vcall kasi puro nlng hikbi ko maririnig niya, pero ginawa niya lahat, kumalma lng ako, pinakinig ng music, praise songs lahat habang nagdadasal...yung OB ko kahit gabi na minomonitor ako, pinabili yung naka resetang gamot, pinainom at pinayuhang mag bedrest. Dun mismo, nagfile ako ng indefinite leave, mabuo lng yung baby ko...4 months akong naka bed rest lng talaga, may hemorrhage at myoma daw ako...kaya ayon kahit nagkanda ugaga yung mga kasamahan ko sa work dahil d naman lahat nakakaintindi, inuna ko talaga pregnancy ko... excited din kaming malaman gender ni Baby nun... ako personally gusto ko, unang anak ko lalaki, me pagka instik din kasi sa paniwala eh... si hubby sabi guess niya daw babae, pero gusto niya basketbolista paglaki, kaya alams na. So nung pina check , GIRL...! Naka bukaka talaga eh...true, nakaramdam ako ng disappointment, pero pinalis ko yun, kasi Babae man o Lalaki siya, eto yung baby na pinagdasal ko eh... ang baby na pinaglaban ko, namin ng asawa ko, eto yung baby na inaasam asam namin na sa tuwing magtatry kami e hawak kamay kaming naka tanaw sa langit, Baby ko to,baby namin...at ayokong maramdaman niya na ayaw namin sa kanya, kasi unang una kami ang may kagustuhang mabuo siya, hindi niya yun hiniling, kami ang nag pumilit...hindi dapat maging hadlang ang gender niya para maranasan niyang pagmamahal namin...She is our Greatest Miracle! .... PCOS po ako bilateral...yung hubby ko, very low yung sperm count, pero eto 37 weeks and 6 days preggy na ako with our BABY GIRL!...kaya magdasal ka mommy, hayaan mong ituro ni GOD saiyo kung paano tanggapin yung baby mo..., mahal na mahal ka ng baby mo for sure...

Nakakalungkot yung mga mama na mas mahal ang asawa kesa sa baby nila😢 yung nanghihina agad ang loob por que yung tatay umayaw na..o kahit sa anong problema. Nangbabae ang tatay, susuko na agad. Sana minsan maisip din ng mga nanag na mas panindigan ang mga anak. Yung sana pumantay man lang sa level ng pagmamahal sa tatay yung pagmamahal sa kanila kung hindi man kaya na mas mahalin pa kesa sa tatay. Pero mommy thank you sa post mo kasi mas lalo ko lang minahal baby ko regardless sa gender nya. My PCOS ako kaya sabi ko ok lang kahit isa. Basta meron. Biniyayaan ako ni God..agad agad. Tuwang tuwa ako. Sabi ko sana babae muna..pero narealize ko bat pa ako pipili. Ang dasal ko lang maging healthy kami ni baby all throughout pregnancy. Yung normal sya and healthy yun ang dasal ko. Pakatatag ka mommy at isipin mo si baby girl mo. Magkaka mini-me ka na. 😊 congrats sayo. P.S. dedmahin mo na mjna ang tatay hayaan mo sya. Wag mo na mjna kausapin at ipagdasal mo na marealize nya mga pinagsasabi nya.

TapFluencer

Baby boy din gusto ng hubby ko pro nung nlaman nmin na girl c baby, tinanggap nmin siya buong-buo kc kahit ano pa gender nya, blessing pdin siya and mamahalin nmin siya ng buong-buo and masayang-masaya kmi basta healthy lng c baby. HINDI PO SA LAHAT NG ORAS, NANGYAYARI ANG MGA GUSTO NATIN KAYA MATUTO TAYONG TUMANGGAP KUNG ANO MAN ANG IBIGAY SATIN. Wag po ganun mamsh! Masama po kung d niyo itutuloy yung baby, npakalaking kasalanan po yan. Ngayon kung d niyo tanggap tlaga yung gender niya, ituloy niyo pdin and kung gusto niyo ipamigay/ipaampon sa kamag-anak niyo na wlang anak, mas okay na cguro yun kesa magsuffer siya sa poder niyo n tunay n mga magulang niya. Siguro nman mas aalagaan at mas mamahalin siya nung taong cnasabi niyo n walang anak dahil uhaw sila sa pagiging mga magulang. D kayo karapat-dapat maging magulang niya dahil sa umpisa plang, inayawan niyo n agad siya.

Skl po ulit. Ang gender po Ng baby ay nadedetermine sa sperm Ng lalaki. Tayong babae po ay chromosome X lang meron. Ang sperm ng lalaki ay either chromosome X or Y depende sa ilalabas nya at any given time. Pag X nilabas nya at na match sa atin XX po un or girl pag Y nilabas nya XY sya or boy. What's my point? Point is, you are not to blame. Hindi ko din sya sinisisi dahil gift ni Lord and baby, pero Ang malinaw Lang, sobrang laki Ng chance na Kung mag buntis ka man ulit pwedeng babae ulit dahil HINDI NYA KONTROLADO ANG ILALABAS NYA. so bakit sya nagkaka ganyan? Better educate him mamsh. Ano yan ipapamigay nya lagi pag nagkataong X na naman inilabas nya. Kaya nga po tinatawag na RANDOM MIRACLE OF GOD Ang baby, Kasi you never know what you will get, no matter how many scientific intervention pa gawin nyo. Hays I feel sad for you mamsh. Kausapin mo si mister mo about this.

I come from a family of Chinese. And that is never a practice. Your husbans is so old school. Ano gusto nya mangyari everytime nabubuntis ka kapag babae ulit ipamimigay nya? He is crazy! Leave him. Im not bashing you. I feel for your baby. Sobrang nakakaawa. Your husband’s love for the baby is CONDITIONAL. mamahalin nya kung lalaki. You as a mother, you should not be thinking about anong gusto nya. Ang situation mo now is like mamimili ka between your partner and your baby. Pero parang gusto mo din gawin ang gusto ng partner mo. DAPAT NO QUESTIONS ASKED, CHOOSE YOUR BABY OVER YOUR PARTNER. IF HE CANT ACCEPT YOU BABY THEN LEAVE HIM! Hindi ung si partner mauuna. If you are asking if its normal for you to feel down yes it is. But if its normal for your partner to think that way, like i said he is crazy!

You respect his culture but you have no respect for your baby girl?? You are choosing this man over the baby? Even if you say you prefer a boy? Then the kind of love that you have for your kids is conditional. Oh wow wow to that! Slow clap! Anyway that is your life. I agree with the other anonymous commentor that this maybe deserves a better mom. A better life. She doesnt deserve you. Thats all! And this is my opinion. Since you aired out your feelings here, olease so expect opinions like mine and the others who do not agree with what you believe in.

Kami nga we want girl, we also expect bb girl ksi un mga signs ko with my pregnancy, pero nung ako nakakakutob na ako ng boy na-excite ako ksi yes, girl madali damitan and masarap pormahan pero ung paglaki na may boy ka na magpo-protect sayo is a priceless one. Kaya during gender reveal sobrang tuwa ko.. lalo na nung bumibili kmi na ng clothes ini-imagine ko pa lang gano kapogi anak ko kinikilig na ako, tho daddy nya before di naman sa dissapointed pero nung time by time narealize nya were having bb boy ayun na excite din, iniisip na anong laruan mga bibilhin. Ganon tlaga expect the unexpected and binigay ni lord stin yan regardless sa ender as blessing. Hindi naman aso anak natin na pipiliin natin ng gender. Be thankful, may mga tao nga na hindi binibiyayaan ng anak e. Dapat we are more thankful for having that precious gift from above. Godbless!!

Haha, na disappoint din ako pero Kontiiii lang sa gender ni baby. Kasi gusto ko talaga girl para pwde mung madamitan ng kahit ano2 at may "mini me" kapa. Gusto ko ding mataas na buhok para e tatale ko ng kahit anong design buhok nya. At feeling ko mas malambing yung girl kaysa sa boy lalo na kung lumaki na. Mga lalake kasi nahihiya ng makipag swweet2 tan sa mama nya pag binata na haha. Ayaw ko din na lalaki sana kasi halos daw 1st baby na cocopy yung mukha ng ama sa bata lalo na lalaki ang baby, e single mom na kasi ako kaya sana kahit kamukha man atleast babae nalang..And base sa nabasa ko mas malaking percentage na magkakaruon na depekto paglabas ang lalaki kaysa babae. Kaya pray nalang talaga ako na healthy magiging baby ko . 😊 Tanggapin nalang natin ang binigay na blessings galing kay God at maging thankful tayo

VIP Member

Mali po na hundred 100% tayong nag assume sa gender ni baby. si god pa rin ang nasusunod niyan.. baby girl man o baby boy blessing pa rin yan, napakaraming mag asawang di biniyayaan ng anak, Grateful parin tayo kasi may anak tayo.. Share ko lang din akin. Panganay si hubby at 1st apo nila biyenan ang magiging anak ko una gusto namin lahat girl. fastforward 2boys na ako, pero pinaniniwalaan namin dipa right time para sa baby girl, lahat ng bb girl na nakikita ko ingget na ingget ako pero subra namin mahal ng asawa ko mga anak namin na boys. hangang sa dumating right time, napakahirap ng pinagdaanan namin mag asawa para lang magkababy girl cs ako ang laki ni baby nahirapan kami pareho kasi basta napakahirap. ngayon i proudly say na happy wife and happy moms of three. bunso ko si baby girl 😊❤❤ tiwala lang po.

Alam mo ate sabhin mo sa asawa mo kasalanan din nya kaya babae anak mo. Sa sperm ng lalaki pag most sperm nya ay x chromosome, XX labas nyan babae sila kasi ng fefertilize ng egg cell mg babae para madetermine ung sex ng baby. Kung majority ng chromosome ng sperm ng asawa mo XY most probably lalaki. Tingnan mo si Robin Padilla mostly ng anak ng babae, may iba nman na pareho lang ng count kaya equal lang ung contribution ng x at y ng mga sperms nila. In short ang sperm ang pinanggalingan ng sex ng baby. Tayo ngdadala lamg Yun ung sinabi ko sa asawa ko kasi bet nya lalaki eh babae lumabas, inexplain ko yan. Sabi ko wala ka karapatan mginarte, pero habang lumalaki din si baby naiinlove sya sa princess bun nmin. Sa una lang yan mommy, prayers sayo and kay baby girl

Tama. Ang sperm na nagfertile ang magdedetermine kung boy or girl. And hindi nyo ba naisip na 50/50 ang chances pag dating sa gender? So dapat walang expectations.

Nakakalungkot po isipin na ganyan po ang nararamdaman nyo, pero lahat po ng binigay ni God ay may reason ang mahalaga ay nabigyan po kayo at dapat po thankful tayo sa kahit ano pa man po ang narereceived natin.. siguro po mommy pregnancy hormones po na ganyan ang nararamdaman nyo po. Pero sana kahit hindi po naibigay ang talaga gus2 nyo matuto pa rin po tayo tanggapin at mahalin ang mga naibigay sa atin, kc sa totoo lang naman po kayo po ng partner nyo ang gumawa sa kanya particularly ung gender po nya.Just in case po na talaga hindi kayo masaya, meron naman po sigurong ibang tao na deserved ni baby na magmamahal at tatayong parents para sa kanya.. pero for sure po pag lumabas na si baby matutuwa at mapapamahal din po cia sa inyo..

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles