Sobra sakit na puson

Normal po ba ang pag sakit ng puson ng buntis? Yun narrdaman ko po kasi ngayun . Halos parang mamilipit na po ako sa sakit. Kagabi pa ganito yun puson ko. 12 weeks preggy na po ako.

11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

not normal..ganyan ako sa first stage mg pregnancy ko,,then nagpa check up ako and ultrasound transV 6weeks and 1day preggy ako and meron subchorionic hemorrhage sa loob ung bleeding..sobra din sakit puson ko that time..

3y ago

sinunod ko lahat Ng advise Ng Ob ko , nag leave ako for 4months,,nag take Ng pampakapit for 1 1/2 months , pray and kausap Kay baby na kumapit lang syA..palagi din ako umiiyak that time dahil every time na nakahiga ako di ako makagalaw sumsakit puson ko..

naku. pacheck up ka na po ganyan din yung sakin. hindi ko naagapan. 2months and few days pa lang noon. sobrang sakit po yun pala makukunan na ako kasi dumudugo na sya

hindi po normal yan,baka po may bleeding kayo sa loob.pa check up po kayo sa OB. ako po kasi dati lagi na sakit puson ko yun pala may pag durugo sa loob ng tiyan ko.

naranasan ko rin Yan Nung 11week plang tyan ko Ang ginagawa ko nag lalagay ako Ng unan sa balakang

Ganyan rin po ako. Pati balakang sobrang sakit. Binigyan po ako ng dalawang pampakapit.

hindi po..punta ka agad sa ob mo po para ma check ka..

And please bed rest ka po. Huwag masyadong magpapagod

Hindi po normal yan mommy. Please pa check ka po.

hindi po normal yan. pacheck up ka na sa ob mo.

Hindi ko po naexperience nung preggy po ako.

Related Articles