Normal pa ba ito?

Normal pa ba ito na lagi ako nalulungkot at nadedepress sa tuwing hindi ako nasasamahan ng asawa ko sa check up at mga laboratory? hindi pa kasi kami magkasama sa iisang bahay dahil pinapaayos pa lang namin ang nasa likod ng bahay ng parents ko, so every week night at weekends lng kami nagkakasama (may work sya at ako naka maternity leave na) may times din na kahit nandito sya para bisitahin kami ni baby, prang wala lang ako, inuuna nya ang pag fb at panunuod ng kung anu-anong video.. hindi ko sya masisi kasi paraan un ng pamamahinga nya from work.. pero feel ko lang na hindi n nya ako love dahil dun.. sobrang pag iinarte ko lang ba? sinabi ko rin nman sa kanya na nahihirapan na ako sa pagbubuntis, 38 weeks na ako kaya bigat lagi ng pakiramdam ko, at gusto ko na lagi syang kasama pinagdarasal ko rin na sna matapos na ang pinapagawa sa likod bahay pra magkasama na kami.. Sorry po magulo, naiistress lang ako, at ilang araw nang iyak ako ng iyak dahil dito

undefined profile icon
Magsulat ng reply
Maging una na mag-reply