23 Replies

FYI about bigkis na pinagsasabi ng nanay sa baba. Dinala sa aking clinic kamakailan lamang ang dalawang buwang gulang na sanggol dahil sa madalas na pag-ubo, madalas na pagsusuka lalo na pagkatapos dumede, hirap sa paghinga at pagiging iritable. Sa aking eksaminasyon, tumambad sa akin ang matinding pagkakabigkis sa bata (makikita sa litrato sa ibaba ang marka ng bigkis sa sanggol) at may narinig na rin akong senyales ng pulmonya. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit IPINAGBABAWAL NA ANG PAGGAMIT NG BIGKIS. Paano makakahinga nang maayos ang isang sanggol kung napakahigpit ng pagkakabigkis sa kanila at hindi na makakapag-expand ang baga? Paano ninyo aasahang bababa ang gatas sa bituka kung may matinding harang na nilagay sa kanyang tiyan? Malamang magsusuka talaga sila, mapupunta ang ilang patak ng gatas sa baga at magiging dahilan ng pulmonya. IWASAN NA PO NATIN AT HUWAG NANG IPAGPILITAN ANG MGA NAKAUGALIAN NGUNIT NAPATUNAYANG NAKASASAMA SA MGA SANGGOL. #BawalNaAngBigkis #DocHugotCares

I agree with this. I have attended newborn seminars online and bigkis is a NO-NO. Common yan na sinasabi ng mga OB sa mga nanay ngayon. Let's listen to our doctors. They did not study for years and attend conferences and seminars annually tonuodate themselves para lang sakanila. It's to update patients as well.

Nung first baby ko, worried din ako kasi ang bilis tumigil sa pag-dede at parang walang laman tiyan ni baby. Pero normal lang yun sa first few days. By day three, ang tiyan nila lumalaki na to the size of a walnut, pero maliit pa rin yun. By the end of the first week, magiging apricot size na siya! Pero oo, minsan parang malaki yung tummy nila, lalo na pagkatapos dumede. As long as hindi mukhang uncomfortable si baby or walang bloating, it's usually fine. Pero kung lagi siyang parang sobrang laki ng tiyan, pacheck mo na rin sa pedia para sure.

Hi. Ganyan din baby ko. Akala ko may mali kasi minsan parang ang laki ng tummy ng baby ko pagkatapos ng feed. Pero sabi ng pedia namin, normal lang daw minsan yun lalo na after a big feeding. Nung natutunan ko na mabilis palang lumalaki ang tiyan nila sa first few weeks, mas naintindihan ko. Pero sinabi din ng pedia ko na kung palaging malaki ang tummy at parang uncomfortable si baby, pacheck na lang to rule out any digestive issues.

After feeding, minsan talaga parang bloated or malaki yung tummy nila, lalo na pag di na-burp ng maayos. Kapag hindi nila nailabas agad yung gas, nagiging gassy sila at lumalaki tingnan ang tiyan. So, burp your baby regularly to help. Pero if palaging malaki yung tiyan or parang tigas na tigas, magpatingin na kayo sa pedia. Pwede rin kasing may issue sa digestion. Pero kung minsan lang after feeding, that’s pretty normal.

VIP Member

Sis ganyan din lagi tyan ni baby, pinapaburp ko lang lagi kasi lag siyang bloated tapos iiyak tuwing uutot siya eh, tapos pinapahiran ko po oil tyan niya every after maligo tapos bicycle massage at I love you massage search mo po sa YouTube yun sis, pag naiutot niya po yan liliit po tummy niya, lagi mo lang po burp 15-20 mins di po need na marinig dumighay o may lumabas na gatas kasi minsan sa utot nila nilalabas yung hangin po

Tnx sis sa info. Now ko lng nalaman my gnyn pla

Sabi ng pedia ko, sa first day, ang normal size ng tiyan ng baby ay parang kasing laki lang ng cherry—sobrang liit! Kaya konting milk lang kailangan nila. Kaya kung parang mabilis mapuno ang baby mo, baka dahil maliit pa talaga ang tiyan nila sa simula. Pero tungkol naman sa malaki ang tummy, normal din yan minsan lalo na after feeding. Basta hindi bloated o sobrang tigas, okay lang yun.

Approximately ka size Ng chest circumference. Sukatin mo mamsh, slightly above Ng umbikicus. Baka naman bochog lang si baby or bagong dede Kaya sa tingin mo malaki. Cylindrical naman po talaga Ang shape Ng katawan Ng newborn. Sa next check up nya ivoice out nyo po sa pedia nya ung concern nyo para na din mapanatag ka mamsh.

By the time na mag-1 month ang baby mo, ang normal size ng tiyan ng baby ay parang itlog na. Kung minsan parang malaki yung tummy ng baby after feeding, normal yun kasi napuno lang siya. Kaya madalas kailangan mo siyang i-burp. Pero watch out din sa bloating o kung matigas yung tummy.

Normal sis, first few weeks ng baby ko nagkaganyan din tiyan nya. As long as hindi matigas, hindi fussy si baby at normal ang kulay at consistency ng poop normal po. Nawala din yung pagkaganyan ng baby ko.

Almost a month din sis pero never siya naging fussy. Tas pag pinipindot ko malambot naman, basta lagi lang ipaburp tapos sundin ang tamang oras ng pagfeed. I guess normal siya sa newborn, basta yung kulay ng poop ay hindi abo o white okay lang yan. Pero syempre po if may doubts, visit kayo sa pedia nya para makasigurado 🙂

Normal lang daw po ang malaki ang tiyan ni baby dahil nag dedevelop pa ang lungs nya eventually liliit din ito once na fully develop na ang lungs nya that was according to my pedia.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles