7 Replies
sakin maski nun pa normal na sakin yellow discharge. pap smear ko normal naman. 2017 1st pregnancy ko un wala naman sinabi ob ko tungkol sa color. then last year ibang ob naman kinoncern ko ung yellowish nga kc sabi sa mga nababasa ntn sa internet dn na puti daw normal, kahit wala naman nakita infection sa panibagong papsmear ko binigyan ako antibiotics, oral at vaginal suppository.. pero gnun prn color after ng gamot. present time etong bagong ob ko preggy ulit, kada check up sinisilip discharge ko pinagpipilitan hndi daw normal un..
Same po tayo kakatapos ko lang mag gamot, pinagamit ng suppository then nawala yung discharge, tapos ngayon lang meron ulit pero wala naman ako nararamdaman na possible na may UTI ako since sobrang takaw ko na sa tubig. So far wala namang foul smell yung discharge ko and konti lang. Nabasa ko rin dito sa app na normal sa 6months yung may discharge this time so for me hindi ako masyado nagwoworry para hindi mastress.
Much better po paconsult nalang po kayo sa OB niyo :) pag nagkakadischarge kasi ako at nagpapaconsult lalo na pag may foul smell nireresitahan ako ng pang yeast infection. yung discharge ko ngayon biglang nawawala eh hindi sya tuloy tuloy then walang foul smell. Kung super nagwoworry po kayo mas maganda ipacheck nyo na rin po agad lalo na kung may kasamang pangangati para magkapeace of mind na rin po kayo mommy
Baka need mo magpapsmear or nacheck ba ni ob ang discharge mo? Possible infection ang yellow. Hindi kasi normal ang yellow discharge sa amin ni ob. Noong nagkaroon ako ng ganyan balik ako kaagad kay ob non kahit next month pa check up ko. Confirm na infection nga. Kaya 1 week suppository ako. Better magpa lab test ka para macheck at mamonitor ka.
same mi yellow minsan white minsan clear discharge nakapag suppository naden ako pero ganun paden Sya. mababa nmn UTI ko at walang Makati saken
yung sakin mamshee 8months NAKO now lang ako nilabasan mg gantong discharge tas sabe ng ob ko wala Naman ako uti
Try nyo po papsmear para masure, milky white po kasi na discharge ang normal. Pag yellowish possible infection din po. 🙂
normal lang magkadischarge pero if makati yan or mahapdi baka may yeast infection kana
Kahit hindi makati ay yeast infection pa din. Ganun ung case. Hindi ibig sabihin hindi makati ay hindi na infection. Pacheck up ka na lang kay ob mo.
as long as wala pong masamang amoy.
تروي