39 weeks and 3 days
Normal lang po ba talaga na mag karoon ng spotting at 39 weeks. Kahapon brown discharge 2 times may lumabas sakin umaga at hapon. Then pag dating ng gabi nag start na sumakit yung bandang puson. PArang every time na tatayo ramdam na ramdam ko si baby sa bandang pempem ko. Sinubukan kong orasan kikirot sya na mag tatagal ng almost one min then mawawala babalik after 8- 10 mins. Paulit ulit po ganun. Kaninang umaga pag ihi ko dugo na po mismo ung nasa panty ko. Di naman po madami . Pero nag decide na po akong pumunta sa lying in. Nakakadissapoint lang kasi parang wala silang paki. Inopen ko ung concern ko sa kanila . ang sagot lang sakin normal daw po ang pag kakaroon ng ganung discharge. Then second question ko po about sa contraction ko. May interval na every 10 min . Tinanong ko kung nag lelabor na ba ko. to think na full term na ko. Di man lang nila chineck yung cervix ko kung open na ba. Ang sabi lang sakin. Di ka pa manganganak mommy nakakalakad ka pa. Balik ka na lang dito pag talagang di mo na kaya. Hindi ko maintinfihan panong pag di na kaya ang ibig nilang sabihin? Pano pala pag mataas lang pain tolerance ko . Na manganganak na pala ko pero natitiis ko lang yung labor pain. Gusto ko sanang mag pa second opinion sa ospital para mapanatag ako . Kaso lahat ng ospital malapit saamin . Kailangan na ka aapointment. Panong gagawin ko mga mommy pa advise naman po . Sorry kung magulo post ko sana may sumagot pa rin. Sa totoo lang po wala na ko sa wisyo. Na iistress na ko at natatakot para sa baby ko. #firstbaby #pregnancy #1stimemom #advicepls #theasianparentph