Mga Inays, Help Po.
Normal lang po ba to sa mga babies? Mag 2 mos na po lo ko. Cetaphil gentle cleanser and physiogel cream po yung prescribed ng pedia niya nung nakaraan pero nagbreakout po siya ng ganyan two days ago mukhang di po nageeffect yung cleanser and cream. ? Sabi po ng mother ko normal daw po and dahil sa panahon sobrang init pero mejo nakakapraning. Sa sat pa po balik nmin sa pedia niya. Sana po may makashare ng exp niyo. Para if ever po dalhin ko na siya sa pedia bukas. Thank you po.
nagka ganyan din baby ko cetaphil recommend ng pedia nya kaya lang hindi hiyang umasim at lalo dumami rushes anak ko kaya nag lactacyd ako.. pero meron pa sya sa mukha kaya ginamit ko yung cetaphil gentle cleanser wala din effect.. kaya ginawa ko hindi ko na sinasabon mukha nya effective kuminis na mukha ng baby ko wala ng rushes..
Magbasa paHi mommies. Normal po yan sa newborn babies kasi nag a-adjust rin yung skin nila. Continous lang sa prescribed products ni pedia. Nangyari rin yan sa baby ko, cetaphil gentle cleanser lang kami. Nawala naman then ngayon super kinis nya na :)
nagka ganyan muka at dibdib ni baby nong pinaliguan ng lola nya ng tubig na may alcohol nagalit nga ko sa asawa ko sabi ko hindi na pwedeng si nanay ang magpaligo ako nalang .. tapos now ok na balat nya makinis na .. thanks God .
Sa akin po nagkaganyan lo ko 2 days ago. Naubusan kasi sya ng cetaphil kaya ginamit ko muna ung stock ko na johnsons baby top to toe kaya nagkaganyan sya. Butlig butlig. Sana mawala agad. Back to cetaphil ulit kami.
Nagka ganyan din po baby ko. 2wks old. Sabi ni pedia normal daw po yan sa init ng panahon ngayon. Wag lng daw hayaan na pagpawisan or balot na balot dahil sa panahon ngayon at eventually mawawala rin daw yan.
Gnyan dn bby ko super dami panga nwawaladin poyan new born kaya sensitive Then she's now 4 months ngkroon dn sya ulit butlig butlig at mapupula nawala ein po Cetaphil gmjt ko sabby ko
May ganyan din si lo sa katawan pero di sobrang dami PHYSIOGEL yung sabon niya na binigay ng pedia kasi may eczema siya
Nagkaganyan din baby ko pero Lactacyd Blue and Calmoseptine Gamit nya.. Effective Naman sya Kay baby ko.
Normal po mamsh kusa po yan nwwla bsta paarawan po c baby every morning and wag po kkalikutin.
Parehas po tau. Ganyan din LO ko. Dko nga alam kung sa tubig ba or sabon bka di hiyang.😞