JUST ASKING

Normal lang po ba sa baby ko na di umiiyak lagi? 1 week old sya today, sa umaga lang sya umiiyak pero hindi kusa, pinipitik pa namin sya sa paa para umiyak, tapos saglit lang yung iyak nya tapos titigil din ng kusa, he's always sleeping, gigising sya, uungot ng konti tapos papadedein ko then matutulog na sya ulit, laging ganon, hindi sya iyakin, hindi sya umiiyak, kapag gising sya tapos nakahiga hindi pa din sya iiyak, steady lang sya, mukha syang living doll na nakahiga, normal lang ba to? hindi sya katulad ng ibang baby na laging umiiyak. :

JUST ASKING
90 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

enjoyin mo na hanggat mabait pa sya as the days pass magiging baliktad na yan ang mood nya 😅 ganyan na ganyan baby ko noon haha need pa kurutin para umiyak tapos ngayon problemado sila kay sakit na sa tenga nung baby pa problemado sila na di umiiyak ta ngayon mas problema na 😆

Ganyan din po lo ko mamsh. umiiyak lang sya kapag pinapaliguan. Tulog lang sya ng tulog tapos kapag gutom ngumanganga lang na parang naghahanap ng dede, tos ungol lang din ng konti. Kapag gising din, gising lang, gumagalaw-galaw lang.. Minsan nababahala narin ako..

baby ko hindi iyakin para nga daw kami wala baby sa bahay kasi walang umiiyak na bata. pero jusko pag tungtong ng 2-3yrs old nagtatantrums na ng malala 😅 kahit sa mall nagiiyak 😅 icherish mo na yan momsh kasi nakakasyress akala ko mabait anak ko nagbabago din pala

Ganyan din anak q.. Blessed tau at mabait ang baby natin.. Qng iyakin yan bka naman sabihin nyo napakaiyakin nakakaireta na. Haha iba iba nman po kc ang bata mas ok na yan d iyakin masarap magkaanak ng d iyakin 😊😊 super blessed tau kpag ganyan.

hehe normal lang po yan mommy ganyan yung baby ko nung new born pa lang sya sobrang bait hindi iyakin, pero nung mga 4 months na sya baliktad na sobrang iyakin at maoy na up until now na 1 year and 1 month old na sya haha

VIP Member

Ganyan lo ko 7mos na siya ngayon di rin iyakin kaya di ako nakahirapan sa first baby ko nakakatulog ako ng madaling araw di tulad ng ibang mommies na nag pupuyatan sila minsan tuloy parang gusto ko paiyakin haha

bat nyo naman sinasaktan? kung di maiyak let it be. buti nga yon e di iyakin. kung bothered kyo tanong nyo sa pedia di ung sasaktan pa para maiyak. may mga ganyang bata talaga di iyakin

3y ago

just like what the nurse do to him po para i check kung normal lang bang hindi sya ganon kaiyakin, ginawa din po namin, at di naman sobrang lakas.

Normal lang po yan wait mo pag nag one month na yan o 2months na jan na iiyak yan. Ganyan baby ko pinapaiyak pa sa umaga para exercise sa baga. Ngayon pag gutom at antok umiiyak na. Lalo na pag meron kabag.

ganyn din po baby ko, 5 months na. iiyak lang kapag gutom... hindi po iyakin ang baby ko instead super smiley and happy. kausapin nyo lang po ng kausapin si baby. mas maganda po yung masayin kesa iyakin.

mommy ganyan din c lo q nung pagkapanganak nya naku nung pagtuntong nya ng 1 month nag iba na ugali nya.. ngaun lakas ng boses nya umiyak pag gusto nya magpakarga at pag gutom xa