17 Replies

Nag woworry po ba kayo sa laki o liit ng tiyan niyo base s buwan ng pagbbuntis o sa development ng baby s sinapupunan niyo. O nako conscious kyo sa itsura ng tiyan niyo? Norml lang nmn maramdaman lahat ng yan, pero siempre mas mappanatag isip niyo pag nagp check up kayo. Sabi ng una ko napagcheck up an wag msyado basa ng basa sa internet kung nakka stress n pinagbbasa.. Mga piece of advice lang massabi namin sa community na ito pero iba padin pag nakausap ka ng doktor n ttingnn thouroughly ng sitwasyon mo.

Hindi po pare-pareho ang tiyan natin. Merong maliit at merong malaki ang tiyan kapag nagbubuntis. If your belly isn't big enough, it doesn't mean na maliit din si baby. Meron akong friend na maliit ang tiyan nya when she's pregnant, pero nung nanganak nya ang laki ni baby almost 4 kilos na nga eh. Pls don't stress yourself. Wag din masyadong magpaniwala sa mga myths or sinasabi ng matatanda. Walang magandang naidudulot yung pag stress mo sa sarili mo it will only affect your baby.

I've been seeing your posts & it's all about the same problem. Momsh 5 mons ka pa lang, usually pagdating mo ng 6 mons n so on saka lang lalaki yan ng bongga. Ako din para lang akong sobrang tumaba 5 mons din ako now. But it doesn't bother me. Kung nai-stress ka po sa mga sinasabi sayo ng ibang tao, better talk to them, confront mo sila. Mag pacheck up ka para makapante ka. Masyado mong inistress sarili mo hindi yan maganda para sayo at sa baby mo. & Better talk to your husband about what you feel towards his fam. Communication is the key.

Malaki naman na sis. Mas lolobo pa yan sa mga susunod na buwan. Tsaka wala sa laki or liit ng tyan yan. Iba iba tau ng shape and size at iba iba rin kung magbuntis.

Maswerte po ung maliliit ang tyan hindi po nahihirapan masyado sa pagkilos pag malaki tyan po kasi ang hirap talaga kahit babangon at mag lalakad nalang po mahirap

Normal lang. Ako 8mos na pero sabi maliit pa daw tyan ko. Happy pa nga ako kapag sinasabing maliit tyan ko e 😁

5mos din po akin pero mas maliit pa dyan normal lng naman daw sabi ng ob ko

Tama lang naman po, mas malaki pa nga po konti sa tyan ko 5months din po ako

VIP Member

flat pa nga tummy ko nung 5months nakaumbok lang konti sa puson

VIP Member

mas lalaki pa yan mommy pg tungtong ng 6mos mbilis lalaki yam

Magpaultrasound ka po mommy. Para mas makampante ka

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles