walang gana kumain

Normal Lang Po ba na walang gana kumain? Piling pili Kasi panlasa ko..Kaya minsan Hindi ako kumakain ..namamayat na ako..ano Po ba dapat gawin? Still 7wks preggy.

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan ako nung first trimester ko. Ultimo tubig isususka ko, magpapabili akonng naiisip kong food tapos konting tikim pang iduduwal ko na. Sobrang hirap para saken ng first trim. Nalagapasan ko naman, ngayon ako nagbabawi. Kahit fruits mommy kain ka konti, small but frequent meals tapos try mo crackers like sky flakes or magic flakes kasi effective siya sa paninikmura ko.

Magbasa pa

Nasa stage ka pa kasi ng paglilihi mawawala din yan eventually pagtungtong ng second trimester or magtutuloy. Depende pa din kasi yan sa nagbubuntis magkakaiba tayo ng trip eh. Pero kung ano ang kinahihiligan mong kainin damihan mo na ng kain basta make sure na healthy food ang pinaglilihian mong kainin.

Magbasa pa

ganyan din ako sis 8 weeks preggy kahit anong kain ko naisusuka ko talaga kahit tubig ayaw tanggapin, ginawa ko nagtry muna ako ng mga soft foods banana or biscuits po ganon atsaka sinasabayan ng milk pampakalma ng sikmura now 17 weeks preggy na ako and magana na ulit kumain 😊

Ganyan talaga momsh .. ako nung di pako buntis 56kg timbang ko Tapos nung nabuntis ako wlaa ako gana kumain bumaba din timbang ko naging 50kg Tapos ngayong 31weeks nako 54kg na timbang ko 😊

VIP Member

Part po yan ng paglilihi sis tiis tiis lang. 4 mos ako ganyan kaya pumayat ako bongga. Pilitin mo kumain kahit fruits lang then milk. Di ka pwede malipasan ng gutom.

normal lang po kung maselan ka mag buntis. pero try mo lang kahit pa unti unti, isipin mo na lang din para sa baby mo yan. 😊 gaganahan ka rin nyan.

VIP Member

Normal naman yun mommy kasi nagbabago ang hormones sa katawan during pregnancy pero be sure na may nutrition intake ka kasi youre eating for two na

VIP Member

Ganyan po talaga pag nag lilihi. Pero kung di naman nag susuka, pilitin nyo po kumain. Isipin nyo na lang na para kay baby.

Ganyan din ako. Hanggang ngauon ganyan parin going 5mos na kong buntus pero nagsusuka parin at mapili parin ako sa pagkain

VIP Member

Ganyan ako nung first trimester ko. Di ko pa alam na buntis ako nun. Wala ako lagi gana kumain. Madalas one rice a day lang.

6y ago

same tayo mumsh😋