22 WEEKS...

Normal lang po ba na hindi minsan nagalaw si baby? Pero sa gabi active na siya pero sa umaga at tanghali halos di kl sha maramdaman? Napaparanoid na po kase ako. Please andwer ty.

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Sabi ob ko dapat po may 10 kicks si baby within 2hrs. Try mo po magpatugtog ng soft music para gumalaw siya momsh. Si baby ko po kasi ginigising ko siya kapag di ko nararamdaman na gumagalaw siya tapos ayun biglang sisipa naman siya. hehe

3y ago

24 weeks na tyan ko nung sinabi sakin ng OB yan. nagtanong nadin ako nung ka 22 weeks ko. Madalang palang talaga pag 22 weeks. pag 24 weeks dun talaga ramdam.

same tayo sis nung pinagbubuntis ko anak ko hyper lagi sya sa tummy ko tuwing gabi pero pagdating ng maga at tanghali ang behave nya.. ngayon 2years old na sya napakahyper pa rin sa gabi hahaha ginagawa nyang maaga ang gabi.

3y ago

HAAHAHAH ang cute!! Thank you mommy Keep safe po sainyo ni baby 🧡🧡

Yung sa akin minsan wholeday sya hindi gagalawa (maliban pag na kain ako my movement talaga sya) tapos nxt day whole day sya gagalaw .nonstop pa minsan ..37weeks ako .

3y ago

para sa ikapapanatag mo mommy bili ka doppler. ako kc bumili ako ng doppler mga 4months tummy ko .my trauma kc ako sa 1st baby ko nawalan ng heartbeat nung 9months.In GOD FAITH after 4months nabuntis ulit ako.

sakin po tuwing gabi hanggang madaling araw active si baby kaya minsan bago mag 9 dapat magsleep na ako kasi pag naabutan hanggang 2am active pa din sya

3y ago

ganyan sakin sis sa gabi at madaling araw ko naramdaman yung pag pitik2x nya pag sa araw dko ma feel si bb yung pag pitik2x nya 20weeks preggy ako now

mag relax ka after kumain ng lunch, as in higa sa side lang and feel your bump most likely meron yan movement, di lang kasing obvious sa gabi

Same case sakin momsh kaso baligtad naman saken. whole day siya magalaw pag gabi na diko na napapansin din paggalaw niya :(

same here po nakakaparanoid pag d ko siya nararamdaman gumalaw kaya po bumili ako ng doppler at gel meron po sa shopee.

yes mommy normal po yun ..kc natutulog dn po cla sa tummy natin .pero dapat gumalaw sya every time na kakain ka.

3y ago

Thank you sissy. Copy po. 💙

Normal lng po

Answer po pls

Post reply image