baby feeding

Normal lang po ba na halos 10 hrs hindi dumedede ang baby? Simula huling dede kasi niya ng 11pm hanggang ngayon 8am hindi man lang siya umiyak para dumede. Tulog lang siya. Bottle feed po pala siya. Salamat sa sasagot. Godbless

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

may newborn kming pasyenteng ganito. nagka problema siya sa brain,. nangitim sa gutom at d n gumising. hindi iyakin si baby niya in nature, na ICU, naka recover nman kaso permanent na yung damage sa brain niya parang may down na siya kumilos and sobrang delay ang lahat ng development. madaling araw huling dede, tanghali n hindj parin pla pinapadede ng ina, ayaw gisingin yun pla literal na malapit na ma coma yung baby.

Magbasa pa

bigyan nyo nlng po ng kusa kahit di sya umiyak pag alam mong di pa sya naka didi ,ako kasi pag mahaba na na di sya humingi kusa ko.binibigyan wag mo hintayin na iiyak muna bago mo bigyan kasi kng ayaw nila dumidi di man nla didiin yan bitawan man yan nla.

depende ilang months na si baby at ilang oz last dede niya. pag mga 8 mos possible po na ganyan kahaba na walang dede kasi nagsosolid na pero if below 6 mos dapat as sched pa rin ang dede nia. kahit tulog po padedehin mo.

Baka kasi na dehydrate na po kaya hindi umiiyak. Wala ng lakas umiyak kaya tulog ng tulog nlang. Dapat po 2-3 hrs pina dede ang baby lalo na pag nb.

Ilang months na si Lo mo? try mo mag dream-feeding. Kapag kase wala pa 6months dapat meron oras yung pagdede nya or feed on demand.

Pag 10 hours ka bang di kumain may energy ka pa para umiyak? Wala na di ba.