Poop
Normal lang ba sa baby ang hindi makapoop ng 4-5 days? 2 months na po sya. Salamat sa sasagot

Pwede rin bigyan ng Suppository if nahihirapan syang dumumi para di sya gaanong masaktan. Magpaalam muna sa Doctor niyo kung anong pwede na suppository para sa anak niyo. Meron ring medicine na pampadumi pero dapat consulta muna if kailangan ba. Ang mga pagkain na kapagsobra ay maaring makatigas ng dumi ay… 1. Saging 2. Patatas 3. Cheese 4. Formula milk 5. White Rice 6. Tinapay na white bread 7. Carrots 8. Fast food like french fries, cheese burger Syempre kailangan rin talaga ng bata ang mga nakasalutan sa itaas, gaya ng gatas at rice, kaya kailangan may mga mataas sa fiber para mabalance. Ang mga pagkain na mataas sa fiber ay… 1. Prunes o Prune juice 2. Green leafy vegetables 3. Pears 4. Peaches 5. Broccoli 6. Peas 7. Beans 8. Papaya 9. oatmeal 10. Avocado 11. Tinapay na whole grain 12. Brown rice Syempre tubig rin ay nakakapalambot ng dumi. Pero bawal na gawing malabnaw ang formula milk. Just give additional water especially kung above 1 year old. Nakakatulong rin ang massage sa tyan pababa dahil naka-stimulate yan para dumumi. Palakadlakarin o palaruin rin dahil nakakatulong ang exercise para maging usual ang schedule ng pagdumi. Paki LIKE ang Page ni Dr. Richard Mata Pediatrician
Magbasa pa
