Anxiety? 34 weeks preggy
Normal lang ba na magkaroon ng overwhelming feeling? Sobrang daming tumatakbo sa isip ko. Parang sasabog na yung ulo ko. Di ako mapakali. Nabuburyo ako pero wala akong gana kumilos. 34 weeks pregnant ako. At mag second week na ko sa pag quarantine. Dahil nagpositive ako sa Covid. So far, nagiging okay naman na yung ubo at sipon ko. Pero ngayon.. di ko alam gagawin ko para maging okay tong gantong pakiramdam. Di ko kasama yung boyfriend ko sa bahay. Nandun sya sakanila, at ako nasa bahay ng magulang ko. Mga kapatid ko lang kasama ko dito at parehong nasa kanya kanyang partner nila yung magulang ko. Mga bata pa yung kapatid ko. Wala akong makausap. Kasi nagttrabaho ngayon boyfriend ko.
mom of two beautiful but naughty girls .