Ako lang ba?

Normal lang ba to mi sa buntis nawawalan na ko ng amor sa live in partner ko. Lagi kasing naiinvalidate yung nararamdaman ko tuwing magoopen up ako sa kanya yung mga bagay na di ko gusto at uncomfortable sakin kontra sya sa lahat ng sinasabi ko, hindi ko naman kailangan ng opinion niya gusto ko lang magopen up para di maipon yung sama ng loob ko. Kaso lagi niya sinasabi sakin "nasa isip mo lang yan" "negative mo kasi masyado" "paniwalaan mo gusto mong paniwalaan" "ang hina ng kokote mo" "kakanuod mo sa fb yan sinasabuhay mo kasi" Ang hirap magbubtis lali na kapag walang emotional support. Nasasanay na ako manahimik na lang at mawalan ng pake sa lahat.

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Same Case po ganyan din po lip ko tapos nandito pa ko sa bahay nila kaya lagi ako tutok sa cp kakulitan ko mga kapatid ko sa chat🥹 hirap kase ng kinikimkim mo yung mga gusto mo sabihin eh. gaya pag naoopen ko yung sa CS pag manganganak since first pregnancy ko po syempre worried ako kung kaya ko plba mag normal delivery o hindi tapos sasabihin nya "yan kakapanood mo yan sa Facebook kung ano ano kase mga pinapanood mo tinatakot mo sarili mo" tatameme nalang ako.

Magbasa pa
2y ago

parang mas gusto ko na nga lang po sa amin ulit eh dun sa mama ko, tameme ako lagi dito sa kanila sya panay invalidate sa feelings ko, yung mama naman nya mabait naman po kaso lang naiilang ako kahit yung tipong antok na antok na ko di ko magawang matulog dahil next day pag naopen nya na about sa tulog tulog ko eh sisitahin ako na wag daw ako masyado natutulog. everyday ang tulog ko po nasa 6hrs lang dahil sa gabi 12am or 1am na ko nakakatulog mii tapos gigising pa ko ng 4am para mag prepare ng baon at pagkain ng lip ko tapos di na ko ulit makakatulog nun :( di ko alam mii di kase ako sociable kaya siguro naiilang ako kapag nasa ibang bahay ako😔 7months pregnant ako ngayon nakakainis lang kase malayo ako sa family ko, kulong lang ako dito sa bahay nila nakakalabas lang ako kapag check up ko once a month