Ako lang ba?

Normal lang ba to mi sa buntis nawawalan na ko ng amor sa live in partner ko. Lagi kasing naiinvalidate yung nararamdaman ko tuwing magoopen up ako sa kanya yung mga bagay na di ko gusto at uncomfortable sakin kontra sya sa lahat ng sinasabi ko, hindi ko naman kailangan ng opinion niya gusto ko lang magopen up para di maipon yung sama ng loob ko. Kaso lagi niya sinasabi sakin "nasa isip mo lang yan" "negative mo kasi masyado" "paniwalaan mo gusto mong paniwalaan" "ang hina ng kokote mo" "kakanuod mo sa fb yan sinasabuhay mo kasi" Ang hirap magbubtis lali na kapag walang emotional support. Nasasanay na ako manahimik na lang at mawalan ng pake sa lahat.

4 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Red flag naman nyang ka live in partner mo. super emotional ng mga buntis tas kung pano ka nya pagsalitaan or tratuhin eh parang hindi mo dala dala yung anak nya. Ako nga one time sinabihan ako ng asawa kong maarte ay jusko nagaway talaga kami ng malala hindi sya nakatiis sa iyak ko kaya grabe din yung suyo na ginawa nya simula non hindi na naulit yon dahil takot din sya na baka ano din mangyari sa anak nya. Dapat kung may anak na kayo lagi kayong open sa isat isa lagi nyong papakinggan yung mga kwento nila kahit walang kwenta dahil isa yon sa way para mas tumibay yung relasyon nyo.

Magbasa pa
2y ago

Alam mo mi hanggang ngayon natitiis niya pa din ako lagi niya din sinasabi sakin na "kapag may nangyari diyan sa dala dala mo kasalanan mo yun mahina kasi kokote mo" kaya silent treatment na lang ako kapag may pagtatalo sobrang sama ng loob ko pero mas pinipili ko na lang manahimik kasi hindi naman ako mapapakinggan. Gaslighting na ginagawa niya hindi ko pa kasi kaya sa ngayon na iwan siya dahil wala ko work and wala ko mauwian na pamilya. Minumura pa ako niyan