Rant
Normal lang ba mga inay na maoffend na sa mil ko kasi lagi nalang nanghihingi ng pera sa hubby ko? Kada sahod lagi nakabantay. Pati ngayong ayuda nakatanggap sila sa Mindoro (broken fam sila, nagloko kasi si mil at isinama isa sa mga anak niya), ngayon nanghihingi na naman pangdagdag daw sa store nia. Ang akin lang mga inay walang masama humingi at magbigay, dahil never ako nagdamot sa fam ng hubby ko. Pero dahil nagloko ka at sinama mo pa anak mo, edi sana obligasyon mo bilang ina ang buhayin at pakainin yung anak mo diba? At ang ikinaiinis ko pa mga inay e nung ung hubby ko walang wala kami at nag aapply ng work, ni kahit pang brgy id lang di namin mahiraman. Ilang beses na mga inay. Pero pagdating ngayong kaht papano meron kami, panay na hingi ngayon. Na kesyo di pa daw sila kumakain, etc. Ano ginagawa ng sinamahan nyang lalake? ilang beses na kaming hiningian pang negosyo daw niya. pero lagi namang di napapaikot yng pera. nakakainis lang.



