23 Replies
Ganyan din ako sis, 1st baby ko nabangga ako ng L300 at nakunan, 2nd baby ko twins nakunan din ako 2019 same year ako nakunan.. 1year kami nag try ni hubby, kasi feeling ko di ako makakamove on sa nang yari, pero wala talaga, sabi pa sakin ng OB ko sa 10% na mabuntis 1% nalang ang meron ako, bukod sa twice nako nakunan, e may endometrial cyst din ako sabi mag pa APAS ako na worth 25k, hindi ko tinuloy, pina sa DIOS ko nalang lahat walang imposible sa kay LORD, prayers ko lagi e alam ni Lord kung kelan ako ready, yung katawan ko alam niya kung kelan ready. baka kaya hindi natutuloy kasi ayaw ni Lord lumabas yung bata na may sakit or kung ano man, then inalagaan ko sarili ko nag take ako ng folic acid and vitamin C, at imbis malungkot pinilit ko maglibang at maging masaya habang wala pa kaming baby ni hubby oo masakit iiyak mo lang then laban ulit.. to cut the long story, Now i have may Eldest na, its a Girl mag 2years old na siya this year 😇 and buntis ako ulit 6 months 🫶. always pray lang mamsh, sa tamang panahon ibblessed ni Lord yung bahay matres mo 🙏
ako po mi 1st baby: buhay 2nd:preterm lumabas ng buo ang panubigan ko na parang ballon ng tubig 5 months p lang tyan ko 3rd: preterm dinugo po ako ng sobra pilit kami lumaban at si baby umokey ng ilang weeks pero dinugo uli ako kaya namatay din c baby at 6 months 4th baby: alive 11 yrs. old n 5th baby: miscarriage dinugo din ako ng sobra kaht nainom n ako ng pangpakapit 6th baby: eto po pinagbubuntis ko, 30 weeks n po ako bukas at sana mafull term si baby sobrang daming try po nmin to have a baby girl kasi po yun 2 preterm ko pareho po silang babae kaya sobrang ingat po nmin ngaun kc baby girl po etong dinadala ko kaya Mi mabibiyayaan ka din ni God ng baby pray lang...ayaw n po talaga ng hubby ko n magbuntis ako kc lagi daw akong delikado pro binigyan kami ni lord ng baby girl at excited n ako makita xa kaya nga po name n ibibigay ko sa kanya is Anmari( gift of god from african word) at combination name n rin kc xa ng mga lola nya
Ganyan din ako mi 1st baby hindi ko alam na preggy ako that time kasi masyado akong tutok sa pagrereview ko for board exam. Puyatan tapos stress, nalaman ko na lang na nakunan ako nung lumabas na si baby. 2nd baby namin, wala syang heartbeat and sobrang bagal ng paglaki nya di umaangkop yung laki nya sa age nya. then bumitaw sya. 3rd baby namin nagka preterm labor ako, masyado daw mababa si matres kaya di nya kinakaya si baby. May mga naging complications din dahil siguro sa kakaraspa sakin. Ang sabi sakin ng OB ko impossible na daw na mabuntis ako dahil sa matres ko. Nakapag develop pa ako ng Myoma. Nakakawalang pag asa talaga. Pero sobrang bait ni God dahil binigyan nya ulit kami ng pag asa. Im currently 8 months now with a healthy baby girl 😍 Kaya wag ka mawawalan ng pag asa mi. Just keep on trying and praying, ibibigay din sayo yan ni God ☺
Mi ask lang ano daw po reason kung bakit laging pre term at miscarriage kasi ako po may bicornuate uterus nahahati po sa 2 ang uterus ko, nalaman lang po nun nag preterm ako sa 3rd baby ko sabi ng dr. n nagraspa sa akin may parang bulsa daw ang matres ko dinugo po kasi tlaga ako ng sobra kaht naraspa n ako muntik na matanggal ang matres ko kaya nagpa ultrasound po ako to know kung ano un at yun nga po bicornuate uterus nga, hipag ko naman po may Apas kaya lagi din nakukunan at preterm baby yun panganay nya, baka po may something din sa matres mo or sa dugo mo pacheck up po kau habang hindi pa kau buntis para malaman ang reason
1st baby: Miscarriage 2nd baby:Successful baby Girl,Normal,healthy 3rd baby: Miscarriage 4th baby:5 weeks.... naawa n sakin c hubby,ayaw nya n Sana na magtry ako Kasi NGA Yung stress at lungkot ko Pg nkukunan Di nya Makaya Kaya.Pero pinapakita p Rin nyang excited at happy sya pag ngpositive ako.Pero deep down natatkot ako ngayon na maulit n nanam😭😥buhay ang Diyos nakikita nya ang pghihirap at niloloob Ng puso.Baka Sabi ko alternate ako mag Ka baby😁😁😁Sana drtso na🥰😍😍😍
same mi, yung first ko nawala din ang diagnose skin blighted ovum kusang tumigil sa pagdevelop yung fetus, tpos itong pangalawa ko kala ko din mwawala ksi plgi akong dinudugo sinabe dn ng ob ko na mgpa apas ako pero di ko ginawa, mag healthy living lng ako tpos dasal try and try lng dn kme ni hubby hanggang sa ayun nabiyayaan dn ng healthy baby girl 😊 wag ka mawalan ng pag asa mi plgi ka lng mgdasal at lumapit sa nsa itaas ♥🙏
Natatakot ako mangyari saakin yan kasi CS ako. Hirap din kami makabuo ng asawa ko kasi wala sya lagi dito. Once a year lang umuwi. 1st baby namin 35 weeks na sa womb ko nakita na wala nang heartbeat, sobrang sakit, alagang alaga namin si baby tapos biglang nawalan ng heartbeat, talagang mapapatanong ako sa Diyos na... "Bakit?, Bakit kami?" grabe.... Ang daming naghihintay kay baby tapos ganun nangyari.
Yakap mahigpit. Mommy 1st miscarriage 2nd ectopic Today 6 weeks pero wala pang baby nung latest tvs ko. Praying n sana maayos yung pagbubuntis ko ngayon
Stay strong sis,darating din si baby sayo. For the mean time I wish you good health,pagaling ka po at wag msyado mag-isip ng nega. Wag po sisihin ang sarili.
Hugs po.... remember po na sobra din po ang panunubok ni Lord sa mga tao noon sa old testament. test of faith ika nga. tiwala pa rin po sa kanya. 🙏