Uti sa buntis

niresetahan ako ng amoxicillin 3x a day para daw sa uti ko pero I've decided na hindi ko iinumin. Ayoko talaga. ayoko mag take ng gamot natatakot ako for my baby. ngayon nagcocontrol nalang ako sa food iwas sa sweet and salty at sa lahat ng drinks na hindi tubig. inom nalang ako ng inom ng maraming tubig at buko juice. tama lang kaya ang ginawa ko? hindi ko talaga magawang uminom ng gamot kahit pa sabihin na approve ito ni doc. kahit pa na warningan na ako na kailangan na magamot kase mas risky para kay baby pag di naagapan. 5months pregnant po ako ngayon. please advise me...

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

It's up to you po kung ayaw mo inumin un gamot. just take note that uti can cause preterm labor sa mga pregnant. Pwede din mahawa ung baby mo pag hindi gumaling un UTI mo before ka manganak. I would say hindi iririsk ng mga doctor un mga license nila para lang ipahamak kayo ni baby. Kaya nga sila naging OB kasi isa sa mga specialization nila ang mga pregnant women.

Magbasa pa

Sundin mo reseta ni OB along with your water and buko juice therapy. Kasi siya na mismo nagsabi na risky yung UTI mo for baby.