Sino po may uti dito?

safe po ba uminom ng antibiotics for uti ang buntis. almost 8 months preggy napo and ang nireseta saken sa hospital is etong gamot nato but diko din mahanap kaya dipa po ako bumibili and natatakot po ako kase may kasabayan ako magpacheck up namatay baby nya sa tiyan because of gamot sa uti? safe po ba talaga antibiotics even nireseta na ng doctor? or mas maganda nalang po ung ibang natural na gamot tulad ng buko? suggest naman po kayo ng natural na gamot bukod sa buko at inom ng tubig na madami

Sino po may uti dito?
18 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pero mas best padin mag tubig ka nalang kung kakayanin mo 2liters maubos mo sa isang araw saka buko juice wag ka kumain ng kahit anong snacks lalo na chocolates at salty nakaka uti talaga yon , ako kasi non nag ka uti din 2liters na pag inom ko ng tubig non, then pinag take ako ng antibiotics after a week mas tumaas pa ang uti ko, then nasisi pako ng doktor bakit tumaas pa ang uti ko wala naman nabago sa lifestyle ko kungdi yung antibiotics para sa uti, kaya niresetahan ulit ako pero diko na itinuloy kasi baka di ako hiyang soon sa gamot , so dinamihan ko talaga tubig ko saka buko juice at kapag pakiramdam ko naiihi agad naihi agad ako. Ayon clear na clear ang ihi ko o very light yellow lang after a week bumalik kami for another urinalysis ayown normal na, akala ng doktor gawa sa antibiotics di niya alam nag water therapy lang ako saka buko juice. Saka tip ko mommy bago ka mag urinalysis stop mo muna lahat ng tinetake mo na vitamins o medicine nakaka apekto kasi yan sa test at itchura ng magging ihi mo :) kasi may doktor din pinsan ko sa US natural lang daw talaga nag kaka UTI ang buntis , so alagaan lang na wag lumala bumabalik at bumalik din kasi UTI ng buntis once magamot. Kaya maintain lang yung water water talaga para di magka sepsis ang baby gawa sa UTI

Magbasa pa
5y ago

tigil po muna pala ako sa ferrous na iniinom ko para po pag nagtest ako wala na po akong uti? kasi po malakas talaga ako magtubig hindi lang 2 liters sa isang araw naiinom ko kaso mahilig talaga ako sa maalat kasi naimmune na panlasa ko pero im doing my best po na wag na magmaalat ngayon and dagdag water pako soon po magbubuko ako every morning for cleansing din daw po tyaka iwas na sa mga bawal sana po mag effect. pero ok lng po kaya stop muna ako sa ferrous?

Mas may chance mamatay ang baby sa loob ng tyan or pagkapanganak or even days/weeks after manganak if hindi magamot ang uti. Infection po ang uti na pwedeng magkaron ang baby dahil sa kapabayaan ng nanay. Dalawa sa mga sakit na pwedeng magkaron ang baby after birth ay pneumonia at ang malala ay ang neonatal sepsis which can lead to death. So dapat ang nanay ay magamot at mawala ang uti bago manganak. If merong uti habang naglelabor, tuturukan ang nanay ng antibiotic then ang baby din pagka panganak tapos ilalagay sa nicu. Ganun po yun. Kaya ako sainyo, sumunod kayo sa doctor kung ayaw nyo po magka problema. Bago lang ako gumaling. Laki ng gastos pero worth it.

Magbasa pa
5y ago

opo i will po. ty po sa advice,helpful po

Safest p din po ung reseta ng ob.. possible din kc n mag karon ng infection si baby pag d k nag gamot, malapit kna manganak and most protocols ng pedia mag aantibiotic n din baby mo pag labas if d yan maagapan at macontrol. .Pwede din po kc sa nakausap mo n late n siya natignan ng Dr or d Niya sinunod tamang pag inom ng gamot or possible n umakyat n Kay baby Yung infection or may iba pa siyang sakit bukod sa UTI..

Magbasa pa
5y ago

ay ganun po ba pero po baka possible din po na naover din sa gamot kasi sa isang araw tatlong gamot tinake nya lalo ung antibiotics nya daw po hindi gantong tulad sa reseta sakin na single dosage

Ako may uti cmula 6weeks up to 14weeks ko. Niresetahan dn ako ni ob ng ganyang antibiotic Pero once ko Lang tinake as prescribed by my OB. Pgbalik ko sknya still may UTI pdn ako Pero hndi na niya ako niresetahan pa ult Ng antibiotic sbi niya lang damihan ko pa daw inom water atleast 3liters per day. Yung water ko cnasabayan ko na dn Ng buko. Next checkup ko pa kce Feb 10 so urine test ulet ako non.

Magbasa pa
5y ago

okay po. salamat po sa pagshare at pag advice😊

Safe po nireresta na antibiotic sa buntis para sa UTI.8months na din ako nagkaUTI din ako, katatapos ko lang magantibiotic. sabi ni OB ko mababang dosage lang naman binibigay sa buntis kaya safe talaga. Basta tapusin at ubisiin ang gamot kasi mas lumalala kapag di sinunod ang reseta.

5y ago

ganyan rin po ba ung gamot na nireseta sainyo?

VIP Member

Pag nireseta sundin nyo po. May pamankin kin po aq n nmatay dahil s infection pagkapanganak nya. Ako po 2x na naggamot ng UTI, nsa 14 weeks p lng aq. Ngayon, pina urine culture n ko pra mas mkita ang problema.

5y ago

aw ganun po ba😥

Di nmn po irereseta yan ng dr.kung mkakasama sa baby wag po kayo mg worried ang masama po ay hndi kayo gamutin dhil magkakaron ng infection c bby pag di ngamot..bka po gnun ang ngyare sa kasabay nyo

5y ago

hirap din po kasi hanapin nung gamot na nireseta😥

Kakainom ko lang po niyan last last night and sabi ni ob once lang po yan, sa mismong clinic niya ako nakabili pero meron din daw po niyan sa mercury. Safe naman po siya basta bigay ng ob.

5y ago

isang beses po sa isang araw? umaga po?

Kakainom q lng dn poh ng gnyan nong jan.31 ng gbi...feb.14 chk up q poh ult sv n doctora effective dw un kht once k lng uminom mhal nga lng s mercury km nkabli n hubby

5y ago

sige po thankyou po. ano oras nyo po iniinom un tyaka ilang beses? nalimutan kona po kasi sabi ng doc ko kung after breakfast or lunch

Basta po reseta ng ob sure namn tayo na pwede for preggy. Combine lang po ng gamot and water and buko/cranberry juice. Hope gumaling ka agad mommy!

5y ago

ok po. thankyou po😊