15 Replies
Ma sabi nga nila "You deserve what you tolerate." hindi magbabago yan kung nagsstay ka lang dyan.. magiging parang normal nalang.. isa pa yung masstress ka which is not good para sayo at kay baby. Mas okay na umuwi ka sa pamilya mo. If mahal ka talaga nyan he'll do his best na magbago at pauwiin kayo sakanya.
Alis na po. Balik sa fam or sa supportive na fam/friend. Di mo po deserve ang stressful environment. Masama para 'sayo and kay baby. Kung mukhang hindi magtitino ang kinakasama mo, tantanan mo 'yan. All the more nga dapat inaasikaso ka niya ngayon. Kaya mo 'yan mamsh. go go go.
Deserve mo and ng baby mo yung alaga . Mahirap iwan for sure pero para sayo naman din and sa baby mo. sya yung mawawalan , hindi ikaw. Better na nasa family mo ikaw kung hindi supportive yung nakakasama mo ngayon. Laban lang mamsh! Pamukha mo sa kanyang hindi sya kawalan. ☺️
Dun ka sa pamilya mo na alam mo tunay na may malasakit at nagmamahal sayo.. Huwag ka na diyan mii iwan mo na siya.. Mas mahalaga ang kapakanan niyo ng anak mo at di niyo kelangan ng manloloko.. Focus ka sa pagbubuntis mo at huwag ka pakastress. Kaya mo yan mommy para kay baby
kung may uuwian kang ibang bahay at kung sure ka n niloloko ka ni partner mo ....at kung yung uuwian or llipatan mu ai tanggap ka GO LANG GURL...ND MO DESRVE ANG GANYANG SET UP..BUT BE SURE LANG NA KAYANG MURIN N PANINDIGAN ANG PAGBUBUNTIS MO NG WLANG SUPPORT NG GUY ....
kung afford mo naman umalis e alis ka na girl. Mas nakakastress araw araw mo naiisip na nagloloko jowa mo. Hindi healthy sa inyo ni baby mo. uwi ka sa parents mo o kaya sa mga kamag anak mo 😊 kung may work ka naman magshare ka na lang sa bills 😊
Wag ka po mag pa stress mommy. Labanan mo galit mo at lungkot mo para kay baby. Pasundo ka sa family mo para maka uwi ka kung kaya mo naman umuwi umalis kanalng pero mas better may susundo sayo.
Unahin mo po kapakanan mo at ng baby. Alis ka muna dyan at don ka sa may peace of mind. Pinili nya magcheat kahit buntis ka, kaya piliin mo din sarili mo ngayon. Be strong po at umalis kayo muna for ur baby.
kung kaya niyo pong umalis, and for your peace of mind, better po yun. kung hindi naman po, and kailangan ninyo yung jowa ninyo during pregnancy, tiis na lang po muna.
Go home to your parents/relatives mi. Hindi nakakabuti ang stress para sa inyo ni Baby. Pero syempre kailangan ka padin sustentuhan ng jowa mo para sa needs niyo ni baby.