In laws
Ngayon ko napapatunayan na hindi pala talaga lahat ng pinapakita sayo ay totoo, minsan hanggang umpisa lang. Let me tell you my story mga momshies. Nalaman kong buntis ako last January this year, sinabi namin agad sa parents namin ng partner ko, since di pa kami kasal, and they were all happy, both sides. Nagplan sila ng wedding, kinasal kami last April. So ayun nga, when I was still pregnant, super ramdam kong concern na concern sila sa akin, lalo na sa baby ko. That is why super thankful ako. Hanggang sa nanganak na nga ako this September. Unti unti akong nakakaramdam ng hindi maganda toward my mother in law. Para nya kasi akong naoover power sa anak ko. Lahat ng desisyon ko para sa anak ko, kelangan kinukunsulta muna sakanila, dahil kapag hindi, panigurado gyera. Hindi ko kasi alam kung tama ba yung nararamdaman ko o OA lang ako. Maski kasi sa damit na isusuot ng baby ko, kelangan kung anong sinabi nya, yun ang ipapasuot ko. Maski pag picture na nga sa baby ko, nirereklamo nya na, kesyo picture daw ako ng picture. Tapos ngayon, pinaparinig nya sa akin na andami daw trabaho sa bahay, eh natural, sobrang liit pa ng baby ko, alam naman nyang halos ayaw mababa nung bata pero ganun parin sya magreact. Hayyyyy. Gustong gusto ko nalang ayain yung asawa kong bumukod na, kahit magrenta nalang kami kesa sa ganito. Sa tingin nyo momshies anong dapat kong gawin? Thank you po in advance!