Mga mommies , gf's , sis what was your most painful words na sinabi sayo ng partner mo when you are pregnant ? Kasi sakin sinabi niya "kung di ka lang buntis iniwan na kita" - di ko alam kung paano ko maoovercome yun kasi kahut na may lumabas na baby ko still di ko parin makalimutan yung sinabi niya sakin . Wala akong mapagsabihan pati .

15 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sabi nya sakin "kasalanan mo kung bakit ka nabuntis. Dapat hindi ka nalang nabuntis edi sana di ako nakatali sayo" at marami pang iba like "mamatay ka na". Sinasabi nya yan habang buntis ako. Though nagbabago naman na sya, minsan nagigising akong umiiyak (ginigising nya ako) kasi nananaginip ako at napapanaginipan ko lahat. Siguro kasi binabalewala ko lang yung nararamdaman ko para hindi kami mag away or maiwasan na yung away pero hindi pa siguro ako totally healed sa lahat ng nangyari. Malapit na lumabas ang baby namin at ang tanging hiling ko lang ngayon ay maging masaya ako ulit bumalik yung confidence ko na nawala dahil sa lahat ng ginawa ng boyfriend ko at makapag umpisa ng bagong buhay na masaya kasama si baby. Totoo pala na mahirap kalimutan lahat ng ginawa sayo ng tao lalo pag buntis ka. Tinatanong nya ako kung anong nangyari sa panaginip ko pero hindi ko masabi. Kinikimkim ko lang. Deep inside, gusto kong sumigaw nang malakas na malakas hindi para awayin pa sya kundi para mailabas ko yung galit at mapatawad ko yung sarili ko na napabayaan ko.

Magbasa pa
4y ago

I feel you po. nung buntis pa ako umiiyak ako before I sleep Kasi almost every day kaming nag aaway and masasakit na words Ang narinig ko lage like Hindi siya sure if sa kanya ba Ang baby. but sa dreams ko Naman is magaganda, parang sa panaginip nalang ako sasaya.

ako cnabihan nya noong nag aaway kmi,ipalaglag mo nlang yan,6months n tyan ko nun,panu kc cnbihan b namn ako pokpok,kagaya raw ako fun sa pinapanoonf namin na palabas na magpakailanman,,subrang pikon ko sinapak ko sya ng tablet.nasaktan cguro sya,,sinipa nya ako sa paa,nkahiga ako,tapos un,,,habang sinisipa nya ako sabi nya ipalaglag ko raw ,,tapos nagliligpit na sya ng mga gamit kc lalayas n sya,pinapalayas ko kc..tapos kinuha ko cp nya at susi ng motor ,,akala nya cguro matangay nya mga gamit na napunfar namin,,sabi ko iwan ko to para may magamit ako kong mangank n ako.ibinta ko to..tapos bumuhos malakas n ulan,,konwari hinintay nya humupa...hanggang sa nahimasmasan n sya,,nanghihingi ng sorry,tapos hinhawakan tyan ko ,umiiyak...

Magbasa pa
VIP Member

sa totoo lang momsh sakin Wala naman. pero dahil buntis sensitive kaya kahit di masakit or masamang salita minsan para sakin masakit na , then ayon mag dadamdam. but I'm so lucky to have him, Kasi kahit inaaway ko sya, kahit na sobrang immature ako, kahit na minsan sinasabi Kong iwan na nya ko or what. STILL nandito pa Rin sya para alagaan ako then cheer me up. minsan talagang pag galit may nasasabi tayong masakit na salita pero pag nahimasmasan na and marealize natin na Mali pala, we still choose to fixed it and ask for forgiveness, more talk para maayos.

Magbasa pa

lahat Ng masasakit na words narinig Kuna 🥺 pinalayas pa ako, sinabihan Ng Sana namatay nalang ako kasama Ang baby etc. pero kami parin, minsan nasasaktan kpag na aalala. pero kabaliktaran Naman sa actions niya. inaalagaan parin ako kahit magka away kami. papalayasin pero hanggang salita Lang. minsan Kasi kapag galit tayu marami tayung mga nasasabi na masasakit na Hindi natin sinasadya o iniisip Kung Tama ba. Ano bang treat Ng partner mo sayu?

Magbasa pa

dati nung mgkaaway kami lagi, lasing sya tapos sinabhan ba nman akong pokpok at bobo,. kaya ayun away kami lalo, kaya nsabhan ko sya na mamatay na mga gago 😒😒 tapos ngkaayos kami, ng sorry, naging okay kami, may baby na.. inoopen ko parin sa kanya, sabi ko pag uulitin nya umalis na sya sa buhay namin, hndi ako.mghahabol, hndi rin ako mgpapasustento sa anak ko, gsto ko na mawala na sya ng tuluyan pg sasabhan nya ako uli..

Magbasa pa
4y ago

pariho tau sia,noong nfi pa ako buntis,chinachat nya ako habang nasa trbho,,pokpok,,tapos kapag magagalit at magkamali ka sabihan ka ng bobo..yan pinaka ayaw ko..tapos panay silos,hinahayaan ko lang sya..tapos biglang mang block,nagsasama n kmi nyan ha,,,prang Abno.tapos mayà2 unblock n nman,,may isang beses hiniram nya atm ko,hinyaan ko lang,un pala nagwithfraw,eh nfi alam ang pin# ayon nkain,,,kya pag uwi ko,,binalik ko rin cnbi nya,,,oh cnu ngaun ang bobo!!! hmm natahimik sya,,haha..

Virtual hug, sis. Buntis man o hindi, masakit yung words na yun. Kung ano man ang pinagdadaanan ninyo ng partner mo, I hope maging okay din soon. Wala naman ako maalala na masakit na nasabi sa akin noong buntis ako. Alam din kasi nya na sensitive ang mga buntis so careful sya sa mga sasabihin.

" Ang pangit mo na at mataba. " 🤣🤣🤣 iniyakan ko Yan hahaha sobrang sensitive ko nung buntis. Yan Lang Naman nasabi nya na masakit tas binawi nya Nung umiiyak ako. takot na takot syang umiyak ako at ayaw nya na maapektuhan Ang pinagbubuntis ko.

Lahat na ng masasakit na salita narinig ko na sakanya😞like "hindi ka kawalan" "pinagsisisihan kung ikaw ang napangasawa ko" "baka hindi ko yan anak" "sawa na ako sayo" "mama's gurl". "segunda mano" lahat na. 😞😞

Promo terbesar expert care sudah dimulai, diskon hingga Rp.100.000 sedang berlangsung di shopee, ada juga voucher diskon 100% alias gratis bagi bunda yang beruntung. Buruan cek di https://shope.ee/9UfEMMqqTg (id-19573)

Pinakamasakit na sinabe nya lang saken nung bago kame isip bata pa daw ako. Pero ngaung nagsasama at magkakababy na kame. Wala ako naririnig sa kanyang masasakit pwera na lang sa 'Taba' at 'Malaki' 🙄😂