Diaper Change + Feeding Time

New mommy here (3 weeks na si LO). Paano ba dapat ang diskarte kapag nagsasabay yung diaper change at feeding time ni baby? Madalas kasi nagsasabay yung poop/wiwi niya sa oras ng pagdede tapos ang lakas na ng iyak niya. Hindi ko alam kung dapat ba unahin yung pagpalit ng lampin o padedehin ko muna para kumalma.

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Palit po muna ng diaper momshie kasi di po dapat mababad sa poop at wiwi ung pwet ni baby. Normal naman po na naiyak talaga si baby kaya okay lang po yan. Cheer up momshie. Kasi kahit po padedein mo si baby, iiyak din po siya kapag may poop siya, mapapakalma mo lang po ng saglit pero iiyak padin after dahil iritable siya sa poop at wiwi niya.

Magbasa pa

Hi momsh, ako ginagawa ko every 3 hrs feeding time and every 4 hrs diaper change. Kapag nag poop change agad. Sa feeding kahit hindi pa umiiyak si LO pina pa feed ko na. Last Cues na kasi daw yung pag iyak mommy. Try to search about the feeding cues ni baby so kapag nakakita ka na ng signs feed mo na.

Magbasa pa
6y ago

Ako rin, mommy. Nangangapa pa rin ako hanggang ngayon. Pero malaking tulong itong community na ito tsaka google rin :)

Super Mum

Gnagawa ko po is pag nagpoop na sya tapos hndi pa sya nkadede, papalitan ko muna pero kpag nkadede na tatapusin ko muna pagdede at papalitan.. kpag dumedede at nagpoop at umiyak na, stop muna pagdede at palitan na agad pagkatapos ay papadedein ulit.

Soguro palit po mun kasi pag nababad naman po ung poops sa pwet nya magkakarashes po yan.

VIP Member

Palitan nio po muna xa pra pag mgdede na xa komportable n po xa..

Thanks po sa advice, mga mommy!