Unsolicited advice please advice😂

Need your advice mommies pano nyo tinetake ang unsolicited advice galing sa malalapit na tao sainyo na nakakairita lang. AS IIIIIIN. Lahat naman tayo may parenting style pero naiinis kasi ako na parang pinapangunahan ako, or yung matagal ko ng ginagawa sa baby ko tapos ang iaadvice same sa ginagawa ko na parang sinasabi na wla akong alam litsi🙄 kahit di ko naman hinihingi advice. Like ganito gawin mo para makapagsalita agad o malakad agad. Dapat 3 months dumadap na. Dpat 6 months naglalakad na. Tinuturuan ako pano maging magulang. Gusto ko sigawan ng "ANO BA??? hayaan nyo nga ako sa anak ko. HAYAAN NYO ANAK KO kung kelan nya gusto maglakad. Hayaan nyo kame. Mayghaad. Pero kasi mga ate ko yun haha. Ayaw ko na sila kausap dahil sa ganyan. FTM ako pero alam ko ginagawa ko sa anak ko. Turo sila ng turo pero yung mga anak naman nila (di naman sa nagsasabi ng masama) di naman ganun katalino, may pasaway naman, may masama loob sakanila. Mga ganun. Naappreciate ko naman yung concern pero sumosobra naman na. Dinidiktahan na yung milestones ng anak ko. Hays

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Naexperience ko yan momsh. At oo nakakasama ng loob. Pero ako.. nag ooo lang ako.. lalo pagkinocompare baby ko sa ibang baby. Para wala lang pagtatalo.. pinapakinggan ko lang tapos change topic na 😂 ngayon yung anak ko na ang ibinibida nya sa mga kakilala nya. Ganun na lang gawin mo momsh. Watch and learn na lang sila. Tsaka 6 months naglalakad? Amazing! Hehe. Baby ko 9 months pa naglakad at no pressure yun. Di din kame gumamit ng andador o walker. Hinayaan ko lang sya kelan nya feel lumakad. Everyday ineenjoy lang namen ang araw at yung mga unsolicited advise ng mga tao... pinapakinggan ko lang pero di ko na pinapakadibdib. Yun kase ang advise din saken ni hubby. Hawak naten ang mga emotions naten so bakit tayo papaapekto? Be happy lang lagi. Ienjoy mo lang si baby mo at be proud sa mga milestones na naaachieve nya araw araw. 😊

Magbasa pa