plss

Need ur prayer. Im a type of person na dependent talaga sa gamot, may nararamdaman lang konte gamot agad. And almost 3 months na tiyan ko nung nalaman ko na buntis pala ako. Nag aaral pa ako nun, and everytime na may sakit ako konte like mainit,masakit ngipin, diarrhea sakit ng katawan at iba pa nag tatake ako ng gamot. Irreg ako kaya nung 1month na hindi ako nadatnan wla lang sakin yun. Wla akong na feel na kahit ano like pagsusuka at hilo. Sa next month nag celebrate ng aniv ng school namin for 1week, grabe inum ko nun halos siguro araw2, tsaka before pa nung celeb. Sa Aniv Bday ko pa kaya nag inuman din kami. Mag 2months na sumakit bigla puson ko at breast ko at akala ko dadatnan na ako, uminum nanamn ako ng gamot para mawala yung sakit sa puson ko at lumagpas na ng 1week d talaga ako dinatnan,akala ko baka dahil to sa pag iinum ko kaya di ako dinatnan. Wala talaga sa isip ko na buntis ako dahil 1time lang na nag sex kami tas lasing pako nun kaya diko alam kong pinasok nya. Nawala sa isip ko na di ako neregla kasi mag fafinals na kami kaya study lang talaga nasa utak ko for almost 2wks.nung pagkatapos na naming mag finals yung isang barkada ko nakita kong nag pt sya, nag try nalang din ako na mag pt na parang wala lang, walang kaba kasi wala talaga sa isip ko na buntis ako but nabigla ako kasi na postive sya. Di ko talaga alam anong gagawin ko, para akong mababaliw. Litong lito na utak ko, galit,lungkot,gulat lahat2 nasa utak ko. Ilang araw akong umiiyak, nag iisip kung anong nangyari na sa baby ko, kung anong gagawin ko. Kung ipalaglag ko nalang ito kasi kawawa na baby ko sa mga pinag gagawa ko, nag pa ultrasound ako at ok yung heartbeat ng baby ko kaya naka pag decide ako na itutuloy ko nalang tung pag bubuntis ko. Bumawi ako, uminum ako agad ng mga vit. Lahat2. Alam ko masama akong ina ,sobrang sisi ko talaga. Kung pwede ko lang ibalik ang mga araw?. Palagi akong nagprapray ni God na sana ,sana healthy si baby . Sana ok lang sya.?. Now im 24wks pregnant. Still praying ang hoping. Natatakot akong mag pa CAS,baka kung ano pa ang resulf? Plss i know im not a good mother but pls pray for my baby. Oo alam ko mali ang babaeng umiinum ,lahat2 . Na pabarkada lang ako kaya naging lasengera ako. Sorry.im not perfect?

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

pareho tayo 2weeks delayed na ako though alam ko may pcos ako may times na irreg un period ko..uminom pa ako nun nagfamily reunion kami kasama ko pa asawa ko uminom haha..di ko naman alam na buntis ako..di na ako nag expect kasi nga 2times na ako nag pregnancy test pero negative haha

You are far from being a bad mother. The fact na bumawi ka naman and grabe yung worry and concern mo for your baby is more than enough proof that you are going to be a good mother. Pray lang, mommy. God is good. ๐Ÿ™โค

Kahit ano pa mang pinaggagawa mo nnung d mo pa alam na buntis ka okay lang yan, blessed kapa rin.talagang para sayo yan kasi talagang kumapit. alagaaan muna at pray lang always para sa safety niyo ni ๐Ÿ‘ถ

Magbasa pa
VIP Member

Hindi ka masama mommy kasi tinuloy mo pagbubuntis mo at bumabawi ka. Naiintindihan kitang hindi mo naman kasi alam na buntis ka. Now, patuloy ka lang sa check ups mo. Wala imposible kay Lord. Pray lang.

VIP Member

Wag mo na balikan ang nakaraan mommy. Sa ngayon focus ka nalanh na maging healthy si baby mo. Have a healthy lifestyle din. God bless you and your baby.

Pray ka lang mommy. At least ikaw tinuloy mo padin and bumabawi ka tlga para sa health ni baby. Hnd ka papabayan ni God. Just trust him โค๏ธ

VIP Member

Pray lang sis. Bawiin mo nlng sa mga healthy foods and vitamins. MagpaCAS kna den dont worry okay yang baby mo tiwala lang ๐Ÿ˜Š๐Ÿ˜‡

Focus muna kay baby.. at sundin lahat payo ng OB .. mag pa CAS ka sis.. mas mainam yun

pray lg po, strong nmn c baby dahil ok xa khit umiinom ka ng alcohol. . .