share ko lang.
Natatakot ako manganak. Yung mga videos kasi na napapanood ko. Alam ko noon nabuntis ako dipa ako ready non,pero tinanggap ko/namin. Im 19yrs of age turning 20. Minsan iniisip ko kung kaya ko ba? Kasi never naman ako na hohospital. Lagi ako nag prpray na sana hindi ako mahirapan manganak tsaka kayanin ko. Meron kasi diba yung iba na hindi kinakaya. Sabi ko nga sa sarili ko maligtas lang si baby kahit hindi na ako. Basta sana safe siya okay na sa akin yon. Ganon pala talaga pag mommy kana :'( hays. Sana lahat kayanin namin. Kayo ba? Ano pampalakas ng loob niyo mga mommy?
Always pray mommy para sa safety niyo ni baby much better iwasan mo muna ang manood ng mga ganyang videos since parang di naman yan nakakatulong sayo kasi natatakot ka. Wag kang magpa stress at irelax.mo yung mind mo set mo sa mind mo na.kaya mo para sayo lalong lalo ma kay baby
Same !! pero kaya natin to para kay baby. alam kong bibigyan tayo ng strength ni God para maipush si baby during labor na 💪😁 Just keep praying. Alam kong tutulungan tayo ni God dahil kahit early age, binigyan tayo ng napakagandang blessing, which is baby 😊
Ako nubg 1st pregnancy ko nanunuod tlga ako ng video ng nangnganak pra alam ko na gagawin ko kaso nubg nandun n ako sa time n manganganak hnd ko alm panu umire hahaha..hnd ko dn alam san ako hahawak..sa nurse ako humawak dun pla sa paa ko hahawak pra mg pwersa hehe .
Sis ako di pa ko naoospital.. dati takot ako manganak pero nanunuod pa rin ako ng videos panu manganak kahit c-section pinapanuod ko.. pero nasa isip ko lang lagi ang mahalaga mailabas ko ng maayos at ligtas c baby samahan dn ng panalangin.. kausapin mo rin c baby
Kaya mo yan! Same here.. Natakot talaga ako esp first time but I instilled to myself that the worst should be expected but you have to be determined to surpass it. Though napakasakit, it will pass. You will feel a big relief pag lumabas na si baby.. God bless.
Isipin mo na ligtas kayong makaraos dalawa ni baby at higit sa lahat magdasal ka palagi kahit saan..kausapin mo si baby na magtulungan kayong dalawa ganun ginagawa ko dati..sa awa ng diyos ok nmn panganganak ko..at 2 na anak ko .
ako din never akong na hospital lahat sakin first time, takot ako sa injections pero kinaya ko hahahahaha. basta wag mo isipin na masakit wag ko i stress sarili mo kasi ikaw din mahihirapan, relax lang isipin mo baby mo😊😊
Same. While pregnant nanunuod ako ng videos ng mga nanay na nanganganak. Oo, mahirap umire. Masakit yung labor. Pero lahat kakayanin para sa baby. Lakas lang ng loob and isipin mo yung joy kapag nakaraos ka na. Kaya mo yan 😊
ftm din ako mommy and never pa ko na hospitalized, nakaya ko naman. Pag nasa delivery room ka na hindi ka na makakapag isip ng negative. Ang nasa nasa isip mo nalang ng mga oras na yun sana maideliver si baby ng safe.
Ako din, 3rd baby ko na akala ko magiging smooth lang labor ko pero iba iba tlaga pag bbuntis, super nahirapan ako at sobrang sakit ko nag labour. Pero buti na lang kinaya. Sa awa ni Lord naka 3 akong normal delivery.