Stress much dahil sa hilot

Nasstress na ako sa mama ko na halos pag-awayan na namin ang issue ng hilot. 32wks and 7 days na ako ngayon pero nung nagpa-ultrasound ako kay baby nung 25wks ako cephalic na siya. Then nung 30wks si baby di na siya naikot cephalic na talaga siya. Last week chineck nung midwife sa center yung tiyan ko and nakaposition na nga daw si baby. Ngayon kinukulit ako ni mama na ipatingin sa hilot kasi baka daw suhi or maceasarian eh. (Dahil na rin sa mga tita ko kaya napapapraning mama ko) Ano ba dapat gawin para maniwala siya sakin? Sabi ko naman sumama siya pag nagpacheckup ako sa OB ko tsaka sa center para mapanatag na siya. Hays. First baby ko to at single mom ako kaya si mama ang support ko ngayon.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pakiexplain po kay mommy na professionally nalaman na po ng midwife na nakaposition na si baby. At wala siyang kailangan ipag-alala. Hi mommy! Sign up and get a chance to win 50,000 to make your mama wish come true! https://www.woopworld.ph/l-gvuhbwze?inviter=258114&lang=

6y ago

Yun nga ang problema ko. Ayaw nya maniwala lang basta sa doctor. Nasabihan pa ako kung may pera daw ako magpaceasarian daw ako. 🤦‍♀️Nasstress tuloy ako.

Pakita mo last ultradound mo cephalic mins kapositions na yan.. Ok n sya

6y ago

Nakailang kwento na ako waepek pa rin kasi gusto nya ipakita sa manghihilot. 🤦‍♀️