Ako ganito na ako sa asawa ko.
Sa dami ng kasalanang nagawa nya sakin, na although oo hindi sya nambababae pero ung paulit-ulit nyang iparamdam at ipakita sakin na wala ako sa listahan ng priorities nya? Ung kung iset aside nya ako para sa paglalaro or mga barkada/kaopisina nya? Paulit-ulit akong nakikiusap sa kanya noon na ayusin namin, bumalik kami sa dati. Pero sabi nya wala na raw ung dati at dapat tanggapin ko na lang daw na ganito na. Dati kasi lahat ng oras at atensyon nya nasakin lang. Ngayon mas inuuna paglalaro, barkada. Ilang taon nakikiusap ako. Walang nangyari. Ngayon ako ung wala nang pakeelam, ako ung wala nang maramdaman. Sya tong nakikiusap ngayon ibalik namin ung dati. Pano pa? Wala na hindi ko na sya mahal. Wala na talaga akong maramdaman kahit anong pilit gawin ko. Laging ang ending away. Hindi ko sya mahiwalayan basta kasi ofw sya nag-iisa sya dun baka hindi nya kayanin at kung anong gawin nya pag mawala kami ng anak namin sa kanya.
Magbasa pa